14

16 3 0
                                    

Masakit ang ulo at ramdam ko ang paninikip ng aking ilong sa pag hinga. Sino ba naman hindi mahihirapan sa pag hinga? Buongmag damag ka ba naman umuwi tapos yung inaasahan mong uuwi ay hindi naman pala umuwi.

Lumabas ako ng kwarto a bumungad sa akin si ate Jasmine na hinihila si Janelle. Napatakbo tuloy ako ng mabilis papalapit sa kanila at kahit hindi alam kung anong nangyayari ay hinila ko pabalik si Janelle.

"Nasasaktan si Janelle, ate!" Sigaw ko pero hindi man lang siya tumigil. "Ate!" Sinusubukan kong alisin ang kamay niya ngunit mahigpit itong nakahawak sa kamay ni Janelle. Ano bang nangyayari sa dalawang ito?!

"Bitaw kung ayaw mong pati ikaw ay patulan ko, Jastine" Dahil sa sinabi niya ay napabitaw ako pero hindi ko hinayaang mahila niya ng tuluyan si Janelle. Mabilis kong tinulak si Ate dahilan para matumba siya dahil sa lakas ng pag kakatulak ko sa kanya.

Si Janelle ay nagulat sa ginawa ko at kahit ako din naman ay nagulat.

"Tangina naman, Jastine" Galit niyang sabi kaya kinabahan ako bigla. Iba ang kapatid na kaharap ko ngayon. Ni minsan hindi niya ako minura pero ngayon ay mismong dalawang tenga ko ang nakarinig.

"Tangina ka din" Inis kong sabi. Ayuko na maging mabait pa. "Bakit mo ba pinipilit na umalis dito si Janelle kung kaya naman niyang umuwi pag isa? Alam mo, napapaisip na ako, pakiramdam ko ginagago mo ang kapatid natin" Ilang beses ko nang napansin pero hinayaan ko lang dahil baka subrang protektib lang ni ate sa kapatid namin pero parang sumubra at pati pag punta ng kapatid ko dito sa bahay ay hindi siya pumapayag. "Anong ginagawa mo, ate?" Tanong ko.

Nangunot ang noo niya at saka binalingan si Janellena naka yuko na lang ngayon pakatapos ay binalik niya ang atensyon sa akin.

"Huwag kang pangealam dahil hindi ka naman naging ate sa kanya, Jastine" Natigil ako. Hindi inaasahan ang sinabi niya. "Huwag kangmag panggap na parang may pakealam ka sa kanya dahil simulat sapol ay wala naman. Ako ang panganay at ako masusunod." Akmang lalapitan niya si Janelle kaya naman inunahan ko na siya.

"Hindi ko alam kung anong rason ng pag babago mo, pero hindi ko hahayaang basta mo na lang kunin sakin ang kapatid ko" Tinulak ko siya palabas ng bahay at saka mabilisna isinara ang pinto. Narinig ko ang pag tawag niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin.

Lumapit ako kay Janelle na nakayuko parin. Hinawakan ko ang kanyang balikat at saka hinaplos iyon. "Bakit ganon ka desperadang makuha ka ni ate?" Tanong ko. Hindi siya sumagot kaya naman ipinaupo ko siya sa sofa.

"Pwede mo namang sabihin sa akin ang lahat,Pero pinipili mong isarili kahit alam mong kaya kung tulungan ka" Minsan hindi ko na maiwasan mag isip. Isa ba talaga akong kapatid na hindi maasahan? Ang dami ko ng bitbit na sakit pero hindi ko man lang magawang bumitaw dahil ayukong bigyan sila ng papasanin.

"Uuwi ako bukas para hindi kayo mag away ni ate" With that, Tumayo siya sa pagkaka upo at saka tumakbo papunta sa itaas.

Naiwan akong nag iisip. Nag tatanong. Nasasaktan at nadudurog.

Yung mga taong akala ko kasama ko, unti-unti nang lumalayo. Siguro kung isang araw magising na lang ako na wala na sila ay hindi na ako masyadong masasakan dahil pakunti kunti ay natatanggap ko.. Na hindi lahat kayang manatili sa tabi ko.

Hinawakan ko ang dibdib ko at saka huminga ng malalim. Tanging pag hinga na lang ng malalim ang nagagawa ko para lang makapag isip pa ako ng maayos.

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa doon si Dew. Bagsak ang balikat at kita ang pagod sa kanyang mukha. Kaagad akong lumapit sa kanya upang alalayan siya. Akala ko itutulak niya ako kase yun ang ginawa niya nung nakaraan pero ngayon ay hinahayaan niya ako.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now