22

16 2 0
                                    

Months passed like a tears drop on my eyes.

Hawak ni Dew ang kaliwang kamay ko habang kinakabahan na nakatingin sa emergency room. Kanina pa kami nag hihintay sa pag labas ng doctor dahil nanganak na si Lalaine.

Dew's hand was shaking and restless. I noticed that he was anxious so all I did was hold his hand tightly. Kanina ay kasama din namin si tita at si tito na parents ni Dew. They knew about Lalaine conditions at ang hindi ko maiwasang mapaisip ng makita ko si tito na parang namumutla. Nang makita niya si Lalaine ay parang kinakabahan siya sa hindi ko malamang dahilan.

Mabilis lang sila dito dahil kailangan pa ni Tita mag pahinga dahil last month lang pala ito nakalabas ng hospital. Nang nalaman nilang manganganak na si Lalaine ay kaagad silang lumuwas para samahan kaming dalawa ni Dew.

Hindi naman nag bago ang pakikitungo sa akin ni tita. Nagulat nga ako ng lapitan niya ako at ngitian. Humingi din siya ng sorry dahil hindi niya daw alam na gusto ni Lalaine si Dew at kung alam niya daw noon pa ay baka ipinakasal na kaming dalawa ni Dew para wala nang umaligid sa anak niya.

Bumukas ang pinto kaya pareho kaming napalingon ni Dew sa doctor na lumabas. Inalis niya ang mask at gloves niya saka tinignan ako bago tignan si Dew.

“Congratulations, Mr. Enocio, Your wife and daughter is safe” It was as if cold water had been poured on me because of what I had heard. I felt Dew look at me so I bit my lips.

“Sheʼs not my wife” Kaagad na sabi ni Dew.

Nangunot ang noo ng Doctor pero kaagad din iyong nawala ng maintindihan ang nangyayari. Humingi siya ng paumanhin sa aming dalawa ni Dew bago umalis.

Ang lamig ng kamay ko dahil sa kaba. Bakit ba parang nawawalan na ako ng papel sa buhay ni Dew. That day inilipat si Lalaine sa Private Room. Iniwan muna ako ni Dew dahil aasikasuhin daw muna niya ang papeles habang ako ay tahimik lang na nakaupo sa malambot na sofa habang nakatingin kay Lalaine na mahimbing na natutulog.

I feel so jealous to her.

Bumukas ang pinto, iniluwa doon ang isang babaeng Doctor at hawak nito ang anak ni Lalaine.Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko din. Dahan-dahan niyang inihiga ang baby sa maliit na higaan kaya lumapit ako sa kanila.

Tinignan ko ang bata at bigla ay napangiti ako. Ang liit ng mukha niya at ang ganda-ganda niya. Matangos ang ilong nito at ang kanyang labi ay hugis puso manipis din iyon. Ang mukha niya ay bilogan.Tumigil ang mata ko sa mata niya. Medyo singkit iyon at ang kanyang pilik mata ay tama lang ang haba. Hindi naman singit si Dew at mas lalong hindi din singkit si Lalaine.

When I was about to touch her cheek when the door suddenly opened. I turned around and saw Dew look at me before looking at her child. Dahan dahan siyang lumapit sa dereksyon ko bago ilapag ang binili niyang pag kain sa lamesa.

“Ang cute niya, Dew” Sabi ko bago ibalik ang tingin sa bata. Mahimbing na itong natutulog kaya napangiti ako. Ang cute cute niyang bata.

Naramdaman ko ang pag lapit ni Dew sa akin. Hinawakan niya ang bewang ko saka tinignan  ang mahimbing na natutulog.

“Anong pinangalan mo sa kanya?” Tanong ko nang tahimik niya lang na tinitignan ang bata. “Wala pa ba kayong naisip na pangalan?” Muli kong tanong.

Nang hindi siya sumagot ay nilingon ko siya. Parang nadurog ako dahil sa pag tingin niya sa bata. Nakangiti siya habang  hawak ng bata ang daliri niya. Kanina lang ay tulog iyon bat biglang gising na? Nakangiti ang bata kay Dew kaya napaiwas ako ng tingin. Selos na selos na naman tuloy ako.

Nagising si Lalaine kaya bumalik ako sa kinauupuan ko. Sinabi niyang gusto niyang makita ang anak niya kaya naman dahan-dahan na binuhat ni Dew ang bata papunta kay Lalaine.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now