03

29 3 0
                                    

Walang araw na hindi nakakatanggap ng bulaklak si Jastine. Walang gabi na hindi niya nakikita si Dew. Ilang linggo na din siyang hindi tinitigil dahil ayaw niyang kausapin ang binata.

Ma pride na kung ma pride.

"Jas, kausapin mo na pwede? Inaantok na ako kanina pa" Reklamo ng ate niyang nakitulog na naman sa kanila kahit may bahay naman ito. "Gusto ko na matulog kaya lumabas kana at kausapin si Dew" Inis na lumabas ng kwarto niya ang ate Jasmine niya.

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap" Rinig niyang sigaw ni Dew sa labas ng bahay nila.

Kanina pa ito sa labas at alam niyang nilalamig na ito at nilalamok. Pero kasalanan naman niya kaya bakit maguguilty siya.

"Jas, Kausapin mo naman na ako. ayuko ng ganito--Argg!" Rinig niya ang pag mura ng kaibigan niya sa labas kaya naman napabangon siya. Akala niya kung napano na yun pala ay bumuhos ang malakas na ulan. "Lalagnatin ako dito pag hindi mo pa ako kinausap" Naningkit ang mata niya saka binuksan ang bintana. Nang makita niya ang kaibigan ay naawa siya dahil na nginginig na ito dahil sa subrang lamig. "Have mercy on me---"

"Hoy! Kung ayaw niyong matulog mag patulog naman kayo! Ang ingay ingay na nga ng ulan sumasabay pa kayo!" Biglang sigaw ng kabitbahay nila.

"Papasukin mo na, ito ang payong" Lumapit sa kanya ang tatay niyang may dalang payong. Ayaw niya sanang tanggapin pero hindi na siya naka reklamo dahil hinila na siya palabas. "Gusto na namin matulog kaya lapitan mo na at papasukin dahil nanginginig na yun sa lamig" Bumuntong hininga si Jastine at wala ng nagawa kundi sundin ang sinabi ng ama.

Pag labas sa bahay ay napapikit siya at napahawak ng mahigpit sa payong dahil biglang tumakbo papunta sa kanya si Dew at walang sabi sabing niyakap siya ng mahigpit.

"Give me a body heat, Jas" Biglang tumibok ang puso ni Jastine. Unti-unting nawala ang galit sa kanyang puso ng marinig ang boses ng kaibigan niyang nanginginig na sa subrang lamig. Nang hindi gumalaw si Jastine ay si Dew na ang gumawa ng paraan upang yumakap siya dito. "Damn, I miss your good damn hug" Jastine canʼt. Hindi na ito nakagalaw dahil sa subrang ginhawang nararamdaman niya.

"You are the reason why lʼm mad but you melt the madness in my heart" Wala sa sariling wika niya.

"It melt because you forgive me" Dahan dahan ay humiwalay si Dew sa pag kakayakap sa kanya at saka hinaplos ang mukha nito. "Pasok na tayo, giniginaw na ako"

"ako din" Sabay silang nag lakad papasok sa bahay. Nang makapasok ay iniwan niya muna sa salas si Dew upang kumuha ng towel at pang palit na damit.

"Maligo ka na para hindi ka lagnatin" Ani sa kaibigan at akmang aalis na sana ng hilahin siya pabalik ni Dew. Napaupo siya sa hita nito kaya naman napaiwas siya ng tingin. "Hindi ka na galit sakin, di ba?"

"Hindi na" Mabilis na sagot niya. Gusto niyang umalis at lumayo pero mahigpit ang hawak ng binata sa bewang niya. "Dew, lʼm wet"

"........."

"nababasa ako dahil sa basang damit mo kaya pwede bang pakawalan mo muna ako?" Mabilis na pinakawalan siya ni Dew kaya naman nakahinga siya ng malalim. "Yung utak mo naging green. Tsk" Tinalikuran niya ang binata saka dumeretso sa kanyang kwarto.

Gusto na niyang mag pahinga.

Nang ipipikit na sana niya ang kanyang mata ay biglang bumukas ang pinto niya at niluwa doon si Dew na bago na ang damit. Kaagad siyang napabagon at ayus ng sarili.

"Malamig kaya hindi na ako naligo" Lumapit ito sa kanya. Siya naman ay dahan-dahang kinuha ang kumot niya upang takban ang kalahating katawan niya. Napansin iyon ni Dew kaya naman tumawa siya at mas lalong lumapit kay Jastine.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now