04

31 4 0
                                    

Hingal na hingal na huminto si Jastine sa pag lalakad. Hindi niya alam kung bakit hinihingal siya e lumalakad lang naman siya. Mula sa bulsa ay kinuha niya ang panyo doon sabay punas ng kanyang pawis sa noo.

Malamig ang panahon pero pinag papawisan siya. Kanina pa masama ang pakiramdaman niya pero hindi niya iyon pinapansin dahil baka gutom lang siya.

Akala niya mawawala ang pag kahina niya ng kumain siya, pero mas lalo yatang nanghihina ang katawan niya at nang didilim ang paningin niya.

Huminga siya ng malalim. Binasa ang labi gamit ang kanyang laway at saka ipinag patuloy ang pag lalakad pauwi. Sabado at napag pasyahan niyang mag exercise kaya natagalan siya.

Nang umapak ang paa niya sa harap ng gate ng bahay nila ay napahinto siya at mabilis na napahawak sa gate. Umiikot ang paningin at sumasakit ang ulo niya.

Dahan-dahan ay napahawak siya sa kanyang ulo. Habang tumatagal ay sumasakit ang ulo niya at sa subrang sakit ay hindi bigla na lang siyang bumagsak.

"Aray" Ramdam ni Jastine ang hapdi ng kanyang ulo. Parang may bukol iyon. Dahan-dahan siyang tumayo at napatingin sa palagid na puro puti na lang ang nakikita niya.

"Asan ba ako--" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Dew na kita ang pag aalala sa kanyang mukha. "Dew.."

"Nag alala ako sayo, Jas" Lumapit siya sakin. Hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. "Sa subrang pag alala ko ay dinala na kita dito sa hospital ko" Suot niya ang puting uniporme niya habang nakasabit naman sa balikat niya ang stethoscope. "Bakit mo ba pinapabayaan ang sarili mo?" Kita ang inis sa kanyang mata kaya palihim akong napangiti.

Gustong-gusto ko talaga na nakikita siyang naiinis dahil sakin. Ahhh mahal ko tong lalaki naʼto.

Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. "Thank you for taking care of me, Doc" Nakangiting sabi ko.

Hindi ko siya tinatawag na Doctor kase mas gusto ko yung pangalan niya, pero dahil nasa trabaho siya at pasyente ako sa hospital niya ay kailangan.

"Itʼs my duty to take care of you" Gamit ang kabilang kamay niya ay ginulo niya ang buhok ko. Lagi niyang ginagawa iyon sa tuwing hindi ako okay. "You need more rest. Babalikan kita mamaya pakatapos ng trabaho ko" Hinalika niya ang noo ko kaya napapikit ako.

Ang sweet niya lalo na kapag may sakit ako. Sana pala araw-araw may sakit ako para araw-araw din ay may kiss ako sa noo.

"Paipai" Wika ko habang iwinawagayway ang kamay ko.

"Paipai? Whatʼs paipai?" Tanong niya ng may pag tataka.

"I donʼt wanna say the word goodbye cause lʼm scared that you might leave me" Malungkot na sagot ko. "I hate goodbyeʼs" The last time i heard it when my mom left us.I was too happy that time pero sadyang may araw talagang mapanira.

"Hindi naman kita iiwan"

"What if--"

"I wonʼt. I Promi-"

Umiling ako dahilan para matigil siya.

"Donʼt make a promise, Dew" Nag simula na namang kumirot ang dibdib ko. Nasasaktan na naman kase. "Balik ka na sa trabaho mo, mag papahinga lang ako" Hinila ko ang kumot na nasa paa ko pataas saka kinumutan ang kalahati ng katawan ko.

HAWAK ni Dew ang kamay ni Jastine habang inaalayan itong makapasok sa kanyang kwarto. Subra ang pag aalala niya sa dalaga lalo na nang malaman niyang nahimatay ito. Still he didnʼt know the reason kasi hindi naman siya ang doctor na naka assign sa kanya.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now