06

25 4 0
                                    

Araw-araw walang ginawa si Jastine kundi ang iwasan si Aidan na walang tigil na binibigyan siya ng bulaklak. Ang mga studyante niya ay kinikilig pero ni isang persent ay hindi siya kinikilig. Ang mga ka trabaho din niya ay gumawa ng loveteam pero deadma lang siya dahil ayaw niya ng ideya na yun.

"Ahhhh, ayan na naman siya" Kinikilig na wika ng ka trabaho niyang si Cire.

Lumapit sa kanya si Aidan na may hawak na namang bulaklak. Araw-araw siya binibigyan ng bulaklak at kapag hindi niya tinatanggap ay nilalagay ng binata sa Vase. Mapupuno na ang vase ng mga bulaklak na tinatanggihan niya.

"Sabi ko naman sayong tigilan mo ang pag bibigay ng bulaklak dahil hindi ako nag papaligaw" Gusto niya lang na dapat manligaw sa kanya ay si Dewna hinihintay niya parin hanggang ngayon.

"Sabi ko din naman sayo na kapag hindi mo tinanggap ang mga bulaklak na ibinibigay ko ay hindi ako titigil." Iniabot sa kanya ang bulaklak pero gaya ng lagi niyang ginagawa ay tinitignan niya lang iyon sabay pasok sa classroom. Pagod na siya sa ginagawa sa kanya. Pagod na pagod na siya sa ka kulitan ng binata.

Ramdam niya ang pag sunod nito sa kanya kaya bumuntong hininga siya at hinarap si Aidan na nagulat sa pag harap niya.

"Pag tinanggap ko ba titigil ka na talaga?" Tanong niya.

Nag isip muna ang binata saka tumango. Dahil sa pag tanggo niya ay mabilis na inagaw sa kanya ni Jastine ang bulaklak. Inilagay niya iyon sa vase na madami na ang nalantang bulaklak.

"Pero hayaan mong mawala yung nararamdaman ko para sayo" Natigil siya. "Hayaan mong gustuhin kita hanggang sa mawala itong nararamdaman ko para sayo" Parang may pakong tumusok sa kanyang puso. Kaya kayang gawin ng binata ang sinasabi niya? Alam niyang wala naman talagang pag asa pero bakit parang nasaktan siya sa sinabi nito?

Dont... Dont beat for him.

Hindi nakapag salita si Jastine. Kung hindi niya pa maramdaman na umalis ang binata sa harap niya ay hindi pa siya makakagalaw. Bakit parang gusto niyang sundan? Napatingin siya sa kanyang paa at napahinga ng malalim.

Gusto na niyang puntahan si Dew para matigil na ang nakakalitong nararamdaman niya sa sarili.

NANG makauwi sa bahay ay kaagad na inihanda ni Jastine ang kanyang gamit. Nag lagay siya ng sapat lang na damit dahil hindi naman siya mag tatagal dun. Isang linggo lang ang ipinaalam niya sa principal at mabuti na lang ay pinayagan siya, dahil kung hindi ay baka tuluyan na siyang mabaliw.Nang maayos at maihanda ang lahat ng gamit niya ay mabilis niyang inilagay iyon sa kanyang kotse. Wala dapat siyang masayang na oras dahil kailangan na niya makita ang binata.

"Aalis ka?" Tanong ng kanyang ama na kanina pa tinitignan ang ginagawa niya.

"Puntahan ko lang po si Dew" Mababaliw na siya kung hindi niya pa makikita ang binata. Gusto na niya itong yakapin at makita. "Pa, alam kong hindi niyo ako papayagan, pero hayaan niyo po muna ako sa ngayon" Alam niyang hindi siya papayagan kaya inunahan na niya ito. Walang makakapigil sa kanya lalo na kung sa taong mahal na mahal niya.

"Sa ngayon ay hahayaan kita basta huwag mo lang saktan ng subra yang puso mo kase magagalit ako" Lumapit sa kanya ang ama niya saka niyakap siya nito ng mahigpit. "Ingat ka sa Biyahe, Anak" Ani saka hinalikan sa noo.

Tumango naman si Jastine bilang sagot saka sumakay na ng kotse. No turning back.

NANG MAKARATING SI Jastine sa hotel na pansamantalang magiging uwian at tulugan niya ay kaagad niyang inilagay ang gamit niya sa malambot na kama.

Ramdam niya ang pagod kaya naman ipinikit niya ang kanyang mata. Gusto niyang matulog at gusto na niyang kumain. Pero mamaya na iyon dahil sa ngayon ay gusto niyang tawagan ang kanina pa niya gustong makausap.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now