25

15 2 0
                                    

Deretso kaming tumuloy sa mansion ng pinsan ni Aidan at ngayon ay parang ayukong igalaw ang paa ko dahil baka madumihan ko ang malinis at makintab na tiles.

Kanina habang papasok kami sa malaking gate ay bigla akong nakaramdam ng hiya. Ang laki laki kase talaga ng mansion! Kinain yung bahay namin. Bago din kami maka rating sa mismong bahay ay may na daan pa kaming fountain sa gitna nun, may statue din na nakatayo tapos sa mismong sensitive part niya bumubuhos ang kunting tubig. Sabi ni Aidan ay swerte daw yun kaya hindi daw inaalis kahit subrang tagal na at kunti na lang ay masisira na.

Ngayon ay hinihintay ko na bumalik si Aidan kase pinuntahan niya ang pinsan niya. Nanlalamig din kanina pa ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan. This will be our first encounter at sana ay maging mag kaibigan kaagad kami.

“Jas” Napatingala ako sa itaas at doon ay nakita ko si Aidan na kumakaway sa akin. Tinanguan ko siya at binalingan ng tingin ang isang babaeng mukhang barbie doll dahil sa subrang ganda ng mukha.

Sabay silang bumaba. Inalalayan ng binata ang dalaga at kung hindi ko lang sila kilala ay baka napag kamalan ko pa silang mag kasintahan. Nang tuluyang makalapit sa akin ay nginitian ko si Samantha.

Tanging tango lang ang ibinigay niya sa akin.

“Jas, Si Samantha” Pag papakilala ni Aidan sa maganda niyang pinsan. Kung alam ko lang namay ganito siyang kagandang pinsan, sana naging lalaki na lang ako.

“Hi” Planna bati ko sa kanya dahil ang bilis ng pag takbo ng puso ko. Parang tanga tuloy ako s harap niya.

She smiled at me. “Takot ka ba sa akin? Huwag kang matakot! Hindi naman kita aawayin” Dahil sa sinabi niya ay namula sa kahihiyan ang pag mumukha ko. Bakit ba kase natatakot ako sa kanya? Ang ganda ganda niya nga e.

“Ahm, Hindi naman” Sabi ko.

Pakatapos ng pag uusap namin ay niyaya nila akong kumain kaya naman parang bata akong sumunod sa kanila. Pag dating namin sa kusina ay nag nadatnan naming inilalagay ng tatlong katulong ang mga plato, placemat, at pag kain. Parang nasa palasyo tuloy ako.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Samatha. Babae ako pero nakukuha niya ang atensyon ko. Babae ako pero kung nakatingin ako sa kanya ay para bang isang lalaki na gusto siyang pormahan.

Matapos ang lunch ay hinatid nila akong pareho sa pansamantalang kwarto ko.Hindi pumayag si Sam na umuwi kaagad ako kahit ang plano naman talaga ay angmanatili pa ako dito ng dalawang gabi bago tuluyang umuwi kila papa. Gustong-gusto ko na sila makita ngunit hindi pa ako handa sa posibling sabihin niya. Alam kong alam niya na ang nangyari dahil yun ang pinag usapan namin nung huli siyang tumawag, pero hindi ko parin maiwasang hindi mag isa.

Tahimik na pinag mamasdan ko ang kalangitan na punong puno ng kumikinang na bituin nang biglang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Aidan sa aking balikat.hindi ko na siya nilingon pa dahil mas gusto kong tignan ang langit. Bigla tuloy ay naisip ko ang kapatid ko. Kumusta na kaya siya? Okay lang ba siya? Alam niya bang nasasaktan ako ng subra? Ang daming tanong sa aking isipan na gustong ibigkas ngunit kahit ang bibig, dila at ngipin ko ay hindi magawang ilabas iyon. Sino ba naman kase ang makikinig sa paulit ulit na nilalabas ng bibig ko.

Huminga ako ng malalim, hinayaan ang malamig na hangin na yakapin ang mainit kong katawan.

“ Okay ka lang ba?” Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti. Minsan, hindi ko na talaga alam kung ano ba ang role niya sa bubay ko. “Iniisip mo na ba na mali ang ginawa mo? Alam mo, Jas? Kaya kita gusto kaseang tapang mo, ang astig mo at kahit anong sakit at ilang beses ka nang nasasaktan, wala kang ibang ginagawa kundi ang ingiti ang lahat” Kahit ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kunting iyak okay na.kunting patawa lang sa akin, parang wala na akong dinaramdam na sakit.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now