37

17 2 0
                                    


Ilang beses nang pabalik balik si Justine sa harap ni Cire at si Cire naman ay nalilito na sa ginagawa ng kanyang kaibigan.

Nakaupo si Cire sa sofa habang ang paa ay nakataas sa lamesa. Nang hindi na mapigilan ang inis ay hinilamos niya ang mukha gamit ang kamay sabay tayo at lapag ng kinakain niyang popcorn sa lamesa.

“Tigilan mo yang ginagawa mo, nalilito ako sayo!”  Inis na wika ni Cire habang pumapadyak.

Si Justine na paikot-ikot ay natigil sa ginagawa at saka tinignan si Cire na inis na inis na sa kanya.

“Bakit kase hindi mo na lang sinabi yung sakit mo? Bakit yung pag bubuntis mo pa? Malamang hindi yun maniniwala kase may Aidan, Diʼba!”

Ilang beses na kumurap ang mata ko sa kanya. Kanina pa siya badtrip na badtrip parang sinabayan pa ang pagkawala ko sa mood. Hindi ko alam kung bakit badtrip siya kaya sa akin niya ibinubuntong iyon.

“Ayukong malaman niya nga, Cire” Sa wakas ay nakapag salita na ako matapos ang ilang minutong pag kurap ng mata sa kanya. Bumuntong hininga ako at saka kinuha ang unan sa sofa at niyakap iyon ng mahigpit. “Yung sakit ko, Satin satin na lang yun.” Ayuko na pati si Dew ay maproblema kaya nga imbis na sabihin iyon sa kanya, Mas minabuti kong isarili na lang. Hindi ko kase alam kung anong magiging reaksyon niya.

“Tine,Lagi ka na lang ba mag sisinungaling sa kanya? Alam mo, naawa ako kay Dew kase parang pati ang tiwala mo ay kailangan niya pang limusin. Kaibigan kita pero hindi kita maintindihan minsan kase minsan magulo ang isip mo” Muli ay napatingin ako sa kanya. Pati ba naman siya ay gaganitohin ako? “Tapos sa pangalawang beses ay sinaktan mo na naman siya, Hindi ka man lang nag isip muna. Bakit ba itinutulak mo palayo ang mga taong nag mamahal sayo ng totoo, Tine? Alam mo bang pati ako ay hindi na din alam kung lulugar pa ba mundo mo, Kase kahit ikaw ay nag bago na.”

Walang salitang lumabas sa bibig ko. Yung mga salitang binitawan niya ay walang epekto sakin, Pero yung emosyon niya ay meron.

“Sana habang nanjan pa sila sayo, Sana pinapahalagaan mo.” Lumapot siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. “Tulog na ako” Ani sabay alis sa harap ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Gulong gulo ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang susunod na hakbang ang gagawin ko. Ano ba ang dapat na gawin? Ayaw akong kausapin ni Dew at si Aidan naman ay ganon parin. Nag hihintay parin kahit walang wala nang pag asa.

Napabuntong hininga ako at malungkot na naupo sa sofa. Kinuha ko ang popcorn na inilapag ni Cire sa lamesa pakatapos ay itinaas ang paa. Sunod sunod ang pag subong ginawa ko dahil hindi ko alam kung anong susunod na hakbang ang gagawin ko.

Ayuko na makasakit kaya mas mabuti kong pag iisipan ko ng mabuti ang susunod na gagawin ko.

Justine busy typing on her laptop but her mind is flying.  Tatlong araw na siyang hindi nirereplyʼan ni Dew at sa loob ng tatlong araw ay wala siyang ibang ginawa kundi ang mag mukmok. Pabalik balik na din siya sa hospital ng binata ngunit hindi siya pinapapasok ng Guard. Tuloy ay umuuwi siya lagi na nakababa ang balikat at ang mukha ay hindi na maipinta.

Sumabay pa sa inis niya ang morning sickness niya. Sa tuwing gigising siya ay dumederetso siya sa cr at doon ay inilalabas ang wala namang laman na Vomit. Cire also caring her despite of what happen to them.kaya subrang pasasalamat niya na kahit may hindi sila pag kakaintindihan ay hindi siya nito iniwan. After all mag kaibigan sila at hindi na makakahanap pa ng katulad ni Cire dahil Iisa lang naman siya sa mundo.

Aidan always texted  her and asking if shes okay. Dahil hindi niya ito makita araw-araw dahil may trabaho, Sa video call sila nag uusap gabi-Gabi. Hindi na awkward si Justine dahil sinabi na din naman niya kay Aidan na wala na talaga itong pag asa sa kanya. Pero kahit ganon ay hindi tumigil ito sa pag bibigay ng banat sa kanya. Sanay na si Justine kaya hinahayaan na lang niya dahil pasasaan pa ay alam niyang mawawala din ang nararamdaman ni Aidan para sa kanya.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now