39

14 2 0
                                    

Justine opened her eyes. She felt the pain in her head because when she got out of her car, something  hit her  head.

Hindi man lang muna siya hinayaang tuluyang makalabas sa kanyang kotse at ngayon ay matatagpuan niya ang sarili na nakahiga sa madilim na kwarto na wala man lang kalaman laman bukod sa isang lamesa.



Sinubukan niyang itayo ang sarili at dahil hindi niya maikilos man lang ang sarili ay muling naipahiga siya sa malamig na sahig. Gamit ang kamay ay hinawakan niya ang ulo niyang tinamaan ng malakas na bagay. Naramdaman niyang may likido iyon kaya naman tinignan niya. Kahit madilim ay alam niyang dugo iyon.



“Oh my god” Maiyak iyak na sabi niya.


Buong buhay niya ay hindi siya nakaranas ng ganito at ngayon ay mismong ang sarili niya na ang nasa ganitong sitwasyon.



Pakatapos makita ang nasa kamay ay hinawakan niya ang kanyang tiyan. Gusto niyang malaman kung ayus lang ba ang batang nasa sinapupunan niya.

Nang walang maramdaman na kahit ano ay nakahinga siya ng maayos. Walang nangyari sa baby niya kaya dapat okay lang din siya.



Sa pangalawang beses ay sinubukan niyang tumayo. Nang sa wakas ay makatayo siya, siyang pag bukas naman ng Pinto at doon ay iniluwa si Lalaine na galit na galit na nakatingin sa kanya.



“Walangya ka, Lalaine” Gusto mang sugurin ni Justine si Lalaine ay hindi niya magawa. Mahina ang katawan niya at kung lalabanan niya naman ay baka bumagsak lang ulit siya.



Lumakad papalapit sa kanya si Lalaine. Ang likod niya ay nakatago ang isang bagay na kinuha niya sa opisina pa ng tatay Ni Dew.


“What if tapusin ko na buhay mo?” Nakangiting wika niya. “Balita ko May sakit ka daw? Unahan ko na kaya ang Due date mo?” Habang palapit nang palapit siya kay Justine ay palihim na nag darasal siya na sana ay may dumating at tulungan siya. “I will not let you Ruin my life, Tine! Hindi pwede dahil mag dudusa ang anak ko!” Hinawakan ni Lalaine ang buhok ni Justine at malakas na hinala iyon. Dahil dun ay napasigaw sa sakit si Justine. “Kaya bago mo pa gawin yun, Uunaha----”



Mabilis na tinulak siya ni Justine at dahil dun ay natumba siya. “Ikaw ang sumisira ng buhay namin,Lalaine! Sinira mo ang pinapangarap kong pamilya para sa sarili ko! At kung masisira man ang buhay ng Anak mo, Kasalanan mo yun dahil hindi ka nakuntento sa buhay mo!” Malakas na sigaw niya dahilan para kumuyom ang kamay Ni lalaine.“Hindi ka pa nakuntento sa pagiging kabit kaya pati si Dew ay inahas mo! Bakit Lalaine? Bakit mo ginawa yun samin? Bakit mo Niloko si Dew?!”




“Mahal ko siya!”


“Sino? Si Dew o Ang tatay niya?”


“Mahal ko silang pareho at wala kang pakealam ku--”


Kahit nanghihina ay mabilis akong lumapit sa kanya at malakas na binigyan ko siya ng sampal sa mag kabila niyang pisngi.



“Nababaliw ka na!” Hindi ko tinigil ang pananampal sa kanya. Gusto ko siyang matauhan sa mga maling ginagawa niya. Gusto kong iparamdam sa kanya ang galit ko at nang matapos ay hingal na hingal niyang tinignan sa mata si Lalaine. “Kulang pa ang sampal na yan para sa mga ginawa mo sakin at sa Pamilya ko”



“Talaga ba, Justine?” Pakasabi niya iyon ay kinuha niya ang Baril na nasa likod niya.Mabilis na itinutok niya iyon sa ulo ni Justine. “Wag mong hintaying iputok ko ito sayo bago ka tumigil sa kaka dada mo”


“Huwag mong gawin ang binabalak mo, Lalaine!Hindi yan--Ahh” Sinukang humakbang ni Justine ngunit natigil siya ng iputok ni Lalaine ang baril malapit sa paa niya.


When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now