30

11 2 0
                                    

“Kung ang pera ay nakakayaman lang ay siguradong mayaman na ako.”  Aniya Cire habang binabalatan ang patatas na ihahalo niya sa adobong niluluto.

“Isang buwan ka nang hindi nag papakita kay Dew, Akala ko ba hindi ka susuko?”

Tinignan ko siya. “Nag papahinga lang ako, Cire”  Pero ang totoo ay ayuko muna talagang kulitin si Dew. Matapos kase yung nangyari ay parang nawalan na ako ng lakas para harapin pa siya.

I heard her sighed.

Nung umuwi ako dito matapos kung iwan si Dew ay tuluyang hindi ko na napigilan na umiyak sa harap ng kaibigan ko.Nakakahiya dahil pati boyfriend niya ay nakita akong umiiyak. Nang araw din na iyon ay tinawagan ako ni Aidan at sinabing dadalawin niya ako. I insist dahil ayukong makita siya dahil kahit sakanya ay wala akong maihaharap ng ako.

Alam ko naman na nag aalala na siya lalo na at nabalitaan niya mula kay Cire na umiiyak gabi gabi. Oo, Gabi gabi kong iniiyakan si Dew. Subrang mahal ko yun na kahit mauboa ang luha sa mata ko ay siya Parin ang titignan ko hanggang sa mawala ako sa mundong ito.

“Tumigil ka na sa kakaiyak, Hindi tayo yayaman jan” Inabot niya sa akin ang tissue na kakabukas lang. Sa harap ko ay nag kalat ang mga tissue na nagamit ko at ang lakaspa talaga ng loob kong mag kalat.

“Ano ba talagang plano mo? Bakit biglang gusto mong bumalik sakanya kahit alam mo namang nanjan si lalaine?” Taaa kilay niyang sabi. Kahit sa kanya ay hindi ko masabi ang plano ko. Ang alam niya lang ay bumabalik ako kay Dew dahil gusto kong siya ang makasama ko.

Ayukong malaman niya dahil baka magalit lang siya. Baka once na malaman niya ang plano ko ay husgahan niya ako.

“Gusto ko lang siyang makasama, Cire” Malungkot na sabi ko. “I want to spend my life with him, kahit walang kasiguraduhan na babalik pa siya saʼkin” Ang hirap tanggapin yung katotohanang ako ang nangiwan. Tapos ngayon ay nag papaka gago ako para lang bumalik siya sa akin. “Mahal ko parin siya, e” Mapait akong ngumiti.

Siya at siya lang ang mamahalin ko.

“Oh, shit!” Biglang sigaw ni Cire nang biglang bumagsak ang malalaki at malakas na butil ng ulan. “Yung sinampay ko! Jan ka muna, ah” Paalam niya sabay takbo papunta sa likod ng bahay.

Napatingin ako sa bintana kung saan bumunuhos ang ulan.When tears and Rain Collaborate I always think of him. Ano na kaya ngayon ang ginagawa niya? Iniisip niya din ba ako? Kumusta kaya siya?

Ang daming tanong sa utak ko na gusto kong masagot. Siguro hindi na muna ngayon dahil hahayaan ko munang lumipas ang araw na hindi niya ako makita.

Mula sa pag kakaupo ay tumayo ako at dahan-dahang lumakad papunta sa pinto palabas ng bahay. Gusto kong maramdaman ang malamig na tubig ulan na umayakap sa katawan ko.

Nang tuluyang makalabas ay napapikit ako. Dinama ko ang butil ng ulan na ngayon ay binabasa na ang buong katawan ko. Minsan lang naman toh, e.

Habang nakapikit ang mata ay umikot ikot ako. Kasabay ng pag ikot ay ang kamay kong winawagayway. Isinabay ko ang katawan ko at doon, Sa ilalim ng ulan ay sumayaw ako na walang iniisip na problema.

Sa bawat minutong lumilipas, Sa bawat patak ng ulan, Sa bawat patak ng ulan na tumata sa mukha  kong sinasalo ang ulan, Isang boses sa aking isip ang lumabas. Boses ng isang lalaking miss na miss ko na.. Boses ng isang lalaking mahal ko at patuloy na mamahalin hanggang sa susunod na buhay.

Hold my hand” Bulong niya sa aking tenga.

Sinunod ko ang sinabi niya sabay ngiti. Ngayon ay naliligo kaming pareho sa ulan. Ewan bat niyaya niya ako bigla.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant