08

30 4 0
                                    

Palihim lang akong sinusulyapan ng tingin si Dew. Sa tabi niya ay pwertang nakaupo si Lalaine na hawak nito ang kamay ni Tita. Ilang araw na ako dito at ilang araw ko na ding nakikita ang pag mumukha niya. Hindi naman ako naiinis pero minsan kasi ay may ibigsabihin ang mga tingin nito kay Dew na pansin na pansin ko.

May pinag uusapan sila na hindi ko alam at hindi umabot sa pwesto ko kaya nanahimik na lang ako. Alangan naman sumabat ako diba. I sighed and then look at Lalaine.

Maganda siya at sa totoo lang ay mas maganda siya sakin. Yung straight niyang buhok na kulay chocolate ay bagay na bagay sa kanya. Ang maliit pero tama lang na laki ng kanyang ilong ay bagay na bagay sa malahugis niyang pag mumukha.

Nakaramdam ako ng inggit. Sana kasing ganda ko din siya.

Yung labi niya na kasing kulay ng mansanas na pula ay hindi man hugis puso ay maliit naman. Kung hindi ko yata siya kilala ay baka napag kamalan ko na siyang modelo. Matanggkad din kasi ito tapos hanggang tenga niya lang ako.

Pansin ko din na parang may gusto siya kay Dew. Nakaramdam ako bigla noon ng takot dahil baka biglang magustuhan din siya. Hindi ko kontrolado ang nararamdaman niya pero kaya kong gumawa ng maraan para sakin lang matuon ang buong atensyon niya.

Sa ngayon ay hindi sila naiilang sa isat'isa dahil siguro, hindi pa umaamin si Lalaine ng feelings niya kay Dew. Pero. Sana huwag na siyang umamin dahil hindi ko kakayanin kung magustuhan din siya nito.

Nag paalam ako na babalik ako sa hotel dahil aayusin ko ang mga gamit ko. Gusto sanang ihatid ako ni Dew pero um-ayaw kaagad ako. Ayukong maputol ang pag uusap nilang tatlo. Uuwi na kasi ako bukas ng gabi dahil miss na miss na daw ako ng mga batang tinuturuan ko.

Nang malaman ko ngang umiyak si Nixi dahil miss na ako ay kaagad kong tinawagan si Tita Nella, Ang mommy nila Nixi at Aidan. Close kami ni tita Nella kaya alam ko ang number niya. Hindi ko planong malaman ang numero niya pero dahil kailangan ng contact ng mga parents ay kinuha ko na din.

"Ang dami ko palang dala" Nakasimangot na wiko ko.

Ngayon ko lang nakita ang gamit ko. Ang dami pala! Hindi ko man lang napansin.

Mabilis ko lang naayos ang mga gamit ko dahil hindi naman nakakalat. Napahiga ako sa kama ng matapos pero kaagad ding napabangon dahil biglang may kumatok. Dali-dali ko tuloy na binuksan ang pinto at bumungkad sakin ang nakangiting si Aidan.

"May dala akong food" Napatingin ako sa dala niya.

Nag take out siya ng pag kain sa Jollibee! "Pasok" Yaya ko.

Sabay kaming kumain. Nag kwentuhan at pareho ding sumakit ang tiyan dahil sa subrang pag tatawa.Hindi namin pareho napansin ang oras kaya alas onse na ng gabi siya nakauwi. I feel so happy that time kaya nakatulog ako ng mahimbing.

Nagising na lang ako dahil sa malakas na pag katok sa labas. "Dew?" Gulat kong tinitigan sa mata si Dew.

Bakit siya nandidito e, mamaya pupuntahan ko lang naman siya sa hospital. Ngumiti siya sakin pero alam kong pilit lang yun. Maybe something happen?

Pinapasok ko siya at nilapagan ng mainit na kape sa Lamesa. "So, Bakit ka na pa punta dito" Hindi sa ayaw ko siyang puntahan ako, hindi lang talaga ako ready na makita siya ngayong umaga. Sabok na sabok ang buhok ko na para bang nasabunutan. Hindi din ako nakapag palit ng damit kagabi dahil inantok na kaagad ako.

"Nakita ko si Aidan kagabi na pumasok dito" Biglang nanlaki ang dalawa kong mata. Nakita ko kung pano niya ikinuyom ang kanyang kamay ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin. "Ilang beses ko pa ba siya makikitang nandidito, Jas" Galit niyang sabi.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now