34

11 2 0
                                    

Hindi mapakali si Justine sa kanyang inuupuan. Ang mata niya ay nakapikit ngunit ang katawan ay hindi matigil sa paulit-ulit na pag ikot sa maliit na sofa na tanging katawan niya lang ang kasya. Ang paa ay lagpas sa sofa habang ang kamay naman ay nakaibabaw sa kanyang noo.

Meanwhile, Naiinis na si Cire sa ginagawa ng kaibigan niya. Simula ng makauwi sila ay hindi na ito napakali. Siguro dahil iniisip na niya kung anong meron sa dalawang yun.

“Tangina!”

Muntik ko na mabitawan ang hawak kong kutsilyo dahil sa malakas na sigaw siya. Nakatayo na ito sa sofa.

“I want to know the truth! Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong ibigsabihin nun” As she said that, mabilis siyang tumayo. Kinuha ang bag niya saka dumeretso sa kanyang kotse. Nakuha na niya ang kotse niya sa dati nilang bahay. May naka tira na din dun pansamantala.

“Mag iingat ka!” Sigaw ni Cire sa kaibigan.

Mabilis kong pinaharorot ang kotse ko papunta sa hospital ni Dew. May dapat akong itanong sa kanya dahil ayukong matulog mamaya na madaming iniisip. Hindi naman ako na traffic kaya mabilis lang akong nakarating sa hospital.

Pag pasok ko ay nakatingin sa akin ang ibang nurse. Alam kong kilala na nila ako. Para sa kanila ay isa akong kabit na talandi. Pero ano bang alam nila? They didnʼt know the real story. Wala silang karapatan na husgahan siya kung ang alam lang ng mga ito ay ang kwentong hindi galing sa kanya.

Hindi na ako nag tanong kong nasaan si Dew dahil alam kong nasa opisina niya ito. Pag ganitong oras kase na lunch time ay alam kong nagpapahinga ito kesa kumain. Dapat pala nag dala ako ng food para sabay kaming kumain.

Kumatok si Justine ng makarating siya sa tapat ng opisina ni Dew. Walang sumagot kaya naman binuksan na niya ang pinto. Kagaya ng dati ay nadatnan niyang natutulog ang binata. Parang pagod na pagod.

Dahan-Dahan ay lumipat siya at saka naupo sa tabi. Sa sofa ay nakapikit si Dew, ang ulo ay nasa dulo na ng upuan. Using her soft hand, Maingat niyang hinaplos ang mukha nito. Miss na miss niya ito kahit isang araw niya palang itong hindi nakikita. Hindi niya alam kung bakit gustong gusto niyang makasama ito araw-araw. Alam naman niyang busy ito sa trabaho pero hindi niya mapigilan ang sarili.

Tinignan ni Justine ang maamong mukha ni Dew. Inilakbay ang kamay sa matangos na ilong saka pinindot iyon. Pakatapos ay napunta sa labi nitong naka buka. Hugis puso ang labi at saka maliit. Parang biglang natakap siya sa lasa.

“hmm hindi naman niya malalaman.” Aniya sa kanyang isip. Ngumiti siya na umabot sa kanyang mata saka dahan-dahang inilapit ang labi sa labi ng binatang walang kamalay malay na hinahalikan.

Ang plano niyang pag halik ng mabilis lang ay napalitan ng matagal. Nang gusto niya ng tapusin dahil baka magising, Siyang pag hawak naman ng kamay ni Dew ang kanyang ulo at itiniin ang halik. Sa gulat ay nag pumilit na ilayo ni Justine ang mukha sa binata ngunit wala yatang balak na tapusin ni Dew ang nasimulan niya.

“Hmmm” Ungol niya ng mas lumalim ang pag halik sa kanya ni Dew.

Parang espada na sabik na sabik mag dikit upang mas maganda ang mangyayari.

“Dew...”Sa wakas ay nasabi niya. Bumaba ang halik sa leeg kaya nakuha siya ng pag kakataong makapag salita. “Tumigil ka.. Jusko” Aniya ng maramdamang nag lalakbay ang kamay ni Dew sa kanyang katawan.

“Donʼt make me stop, Justine” Mahinang sabi sa kanya ni Dew. Ngunit hindi pwedeng madaig siya nito dahil hindi naman siya pumunta para makipag talik.

Gamit ang lakas na natitira ay itinulak niya si Dew. Hindi naman yun malakas at sakto lang para hindi bumagsak sa sahig.

“O.. Kay?” Ani Dew.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now