38

14 2 0
                                    

“Bakit ang tagal mo?” Kaagad na tanong ni Cire ng makapasok ako sa bahay niya.

Its already 1pm in the afternoon.

“Nag kita kami ni Lalaine kanina nung paalisna ako.”Kwento ko saka naupo sa malambot na sofa.

“Anong nangyare?” Curious niyang tanong.

Bago sumagot ay tinignan ko pa siya. “Sinabi ko sa kanya na alam ko na ang lahat. Kung nakita mo lang kung paano namutla ang mukha niya, Baka natuw--”

“You just put your self in Danger, Justine” Malakas na sabi niya dahilan para magulat ako sa kanya. “Hindi mo alam kung anong pwedeng gawin ni Lalaine para mapatahimik ka! Oh My god” Sinabunutan niya ang kanyang buhok at naupo sa harap ko. “Tangina naman, Justine! Paano kung mapahamak ka? Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung...” Nag simulang lumuha ang kanyang mata kaya naman mabilis na nilapitan ko siya. Why shes acting so weird?

“Wala namang nangyaring masama sakin, Cire” Pag papakalma ko sa kanya. “At kung may gagawin man siya, Hindi ko siya aatrasan” Tama na ang pag tatakbo palayo. Oras na para harapin siya.

Tinignan ako ni Cire ng hindi pag sang ayon. Pakatapos ay hinawakan niya ang mag kabilang balikat ko. “You are not sure in what youʼre saying, Tine. Hindi mo kilala si Lalaine and Yes ligtas ka ngayon pero paano kung wala pa siyang ginagawang hakbang para mag higanti sayo? What if isang araw biglang sigurin ka na lang niya?” napapikit ako sa sinabi niya.

Huminga ako ng malalim. “Wag mong isipin yan” Seryusong sabi ko. Shes overthinking. Wala namang mangyayaring masama sa akin. Tinulungan ko siyang makatayo at inayos ang sarili.Pakatapos ay tumingin sa lamesa kung saan nandun ang bitbit ko.

“Bumili ako ng Pizza mo, lumamig na kase yung kape na pinapabili mo”Itinago ko ang tunay na nararamdaman ko.

Iniwan ko muna siya pakatapos kong ibigay ang sa kanya ang bitbit ko. Umakyat ako sa itaas at inihiga ang sarili sa malambot kong kama. Kailangan kong mag pahinga dahil  may isang buhay ng batang inosente sa tiyan ko. Hindi pwedeng ma stress ako kakaisip kay Lalaine.

Hindi ko namalayang nakatulog ako kaya nang gumising ako ay madilim na. Dahan-Dahan akong tumayo sa pag kakahiga at saka tinignan ang labas. Malakas ang ulan at ang kurtina ay iwinawagayway ng malakas na hangin. Lumapit ako sa bintana at biglang napayakap sa braso ko dahil sa subrang lamig na hanging yumakap sa akin.

Okay naman kanina ang panahon pero bakit biglang ulan ng ganito kalakas?

Nang maisara ko ang bintana ay lumabas ako ng kwarto. Alas sais na ng gabi napahaba ang tulog ko bigla.

Pag baba ay nadatnan kong abala sa pag gawa ng lesson plan si Cire. Hindi ko na siya inabala pa at nag deretso na lang sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig.

Nang makainom ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan kung may mensahe galing kay Dew. Hanggang ngayon ay wala parin siyang reply, Kahit Tuldok wala.

Napahinga ako ng malalim at tahimik na umupo sa harap ni Cire. Hindi niya man lang napansin na nasa harap niya na ako. Tinitigan ko lang siya ng ilang minuto saka muling bumuntong hininga. Paulit ulit iyon kaya nagulat ako ng biglang malakas na inilapag ni Cire ang ballpen sa lamesa at masamang tumingin sa akin.

“Isang buntong hininga pa at ibabato ko sayo tong ballpen ko” Pananakot niya dahilan para mapakagat labi ako. Ang high blood na naman niya.

“Kumain ka na jan, may niluto akong adobong baboy” Ani saka ipinag patuloy ang ginagawa. Kumurap ng ilang beses ang mata ko pakatapos ay tumayo at akmang kukunin na sana ang unan nang biglang tumunog ang cellphone ko.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt