33

11 2 0
                                    

Abala sa pag tapik ng lamesa si Justine gamit ang kanyang daliri. Sa lamesa ay nakapatong ang baba niya, Sa harap naman ng mukha niya ay ang cellphone niyang hinihintay na tumunog. Kanina pa siya nag hihintay sa pag tawag ni Dew dahil nasabi nitong tatawag ito sa kanya ngunit limang oras na ang lumipas ay wala parin siyang matanggap na tawag o text man lang.

Habang nakatunganga sa cellphone ay malakas naman ang pag buhos ng ulan sa labas. Bigla ay napatingala siya sa bintana kung saan bumabagsak ang malakas na ulan. Ngumiti siya saka parang romance na pelikula niyang itinuon ang atensyon sa labas.

Sa lamesa ay nag kalat ang basura ng papel kung saan sinusulat niya ang mga nangyari sakanya nitong mga lumipas na buwan at linggo. Ngunit hindi niya nagagandahan ang sarili niyang sulat kaya pinupunit niya ang pahina ng papel na may sulat kamay niya saka itinatapon na lang ng basta.

Wala siyang pakealam kung maubos ang notebook na ginagamit ni Cire dahil madaling palaitan lang naman iyon.

Nang tumigil ang ulan ay tumayo si Justine. Lumapit sa bintana at saka inilabas ang kamay upang saluhin ang ulan na tumutulo sa bubong. Mabilis na bumagsak iyon sa kamay niya kaya napangiti siya. Para sa kanya ay ang tubig ulan ay subra talagang importante, Bukod dun ay ito ang pang pakalma niya. Ilang beses na bang nasaksikan ng ulan ang bawat pag iyak niya? Hindi na niya mabilang sa subrang dami.

Sa subrang pag ka enjoy niya sa ginagawa ay hindi niya napansin ang pag bukas ng pinto. Iniluwa doon si Cire na may hawak na Box ng Pizza. Kakauwi lang niya ulit galing trabaho. Dahan-dahan ay lumapit siya sa kaibigan at inilagay ang bitbit na Pizza sa lamesa kung saan nag kalat ang mga papel na naka form ng bilog.

Umiling iling siya saka tinapik si Justine. Lumingon ito sa kanya at binigyan siya ng ngiti.

“You want Pizza?” Tanong ni Cire kay Justine.

Tumingin si Justine sa lamesa at nang makita ang pizza ay kaagad niya itong nilapitan.

“Kumusta pakiramdam mo?” Tanong pa ulit nito kay Justine.

“Okay na din kahit papaano. Nakakahinga parin naman sa awa ng diyos” Ilang araw din siyang nahirapan sa pag hinga dahil bigla bigla ay naninikip ang kanyang dibdib. Busy siya nun sa pag lilinis dahil linggo tapos bigla ay nag hahabol na siya ng hininga. Hindi niya parin alam kung anong reason nun at ayaw niyang isipin na pati sa puso ay may problema siya dahil baka hindu na niya kayanin pa.

Subrang dami na niyang dinadalang sakit para may dumagdag ulit na panibago.

Akmang kukuha na siya ng pizza ng biglang mapasinghap at mapatakip siya ng kanyang ilong. “Bakit ang baho?!” Reklamo niya dahil sa amoy na naamoy niya galing mismo sa Pizza na nasa harap niya.

Nangunot ang noo ni Cire saka nilapitan ang Pizza. Inamoy niya iyon pero hindi kagaya ni Justine ay nag reklamo ito.

“Okay naman, ah” Aniya habang iamoy amoy ang pagkain. Wala namang mabaho, ah.

“Ilayo mo nga yan sakin! Ang baho, Cire! Jusko sa susunod wag ka na bumili niyan” Nag mamatsang umalis siya, iniwan na nag tataka si Cire.

Kahit pag labas ay hindi natanggal ang mabahong amoy na naamoy niya mula sa Pizza. Kumapit na yata sa ilong ko!tsk ang baho.

Dumeretso siya sa Kusina. Mabilis na binuksan ang gripo saka hinuhasan ang ilong niya. Sa likod naman niya ay si Cire na nag tataka sa kinikilos ng kaibigan. Mula ulo hanggang paa ay tinignan niya ito. Tumaba ng kunti ang kaibigan niya.

Isa lang ang ibig sabihin nun.

Lumapit siya sa kaibigan at saka sinabi ang nasa kanyang isip.

“Buntis ka, Justine” Deretso niyang sabi. Dahil sa sinabi ay dumeretso sa ilong ni Justine ang tubig dahilan para mapaubo siya.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now