11

25 3 1
                                    

Lumipas lang ang enero na parang isang shooting star sa langit. Pag gising ko ay February na kaagad.

Dahan-dahan akong tumayo habang hawak ang kumot na nag silbing pantakim sa hubad kong katawan. We did it again. Pumasok ako sa cr upang maligo. Wala na si Dew pag labas ko kaya inayos ko na ang kamang hinigaan namin.

Dumeretso kaagad ako sa kusina dahil sa naamoy kong pancake. "Ang bango ng niluluto mo, Dew" Sabi ko.

Kumuha ako ng tasa at kutsara saka nilagyan ng tubig na mainit iyon. I put a coffee, sugar and cream. Pakatapos ay lumapit ako kay Dew saka binigyan ito ngmahigpit na yakap sa likuran.

Pakatapos niyang mag luto ay sabay kaming nag almusal. Nag kwentohan pa muna kami about sa works kaya medjo na late din ako pag punta ng school.

"Goodmorning, Teacher Jastine" Sabay sabay na bati ng mga bata sakin.pinangungunahan iyon ni Nixi.

"Anong gusto niyong gawin ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Its love month and we want to make a lots of heart shape, Teacher Jastine" Aniya Nixi na nasa harap na ng table ko. Ito talagang bata napaka aktibo!

Dahil yun ang gusto nila ay yun na lang ang pinagawa ko. Love month nga naman kaya gusto yata nilang mapuno ng pag mamahal. Hinayaan ko lang sila sa kanilang ginagawa. Inasikaso ko muna ang lesson plan ko at nang natapos ay isa isa nilang ipinakita sakin ang ibat ibang kulay ng hugis pusong papel.

"Goodjob, Everyone" Masaya kong sabi. They put the heart shape paper on my table with their name in the back.

Hapon na at napag redisyunan kong kunin ang cellphone ko para tawagan si Dew. Alam kong nasa trabaho pa yun hanggang ngayon pero gusto ko na kaagad siyang makita.
Sinagot kaagad ni Dew ang tawag ko kaya napangiti ako. Lalaking talagang toh.

"Yes, Liebe" Anito sa kabilang linya.

"Babe, Dinner tayo sa labas" Yaya ko. "Treat ko"

"Baka lagnatin ka sa sinasabi mo, Liebe" Biro niyang sabi. Hindi talaga ako nang lilibre at kung mangyare man yun ay baka lagnatin nga ako.

"Ayaw mo? Yayain ko na lang si Aidan--"

"On the way na ako" Kaagad niyang sabi kaya palihim akong napatawa. Hindi niya pa pala alam na umalis si Aidan. May pang blackmail tuloy ako.

Tinapos ko ang tawag pakatapos at saka kinuha ang bag ko sa lamesa. Sinara ko ang pinto at ni lock.

Hindi ako nag hintay ng matagal dahil parang minadali niya ang pag punta dito para hindi ko mayaya si Aidan na nasa America. Gulong gulo ang buhok niya at hindi man lang nahubad ang puting uniform niya. Suot parin niya ang lanyang eyeglass kaya sa tingin ko ay nag babasa ito ng kung ano man.

"Bakit ang gwapo mo parin kahit mukha kang nasabogan?" Birong tanong ko sa kanya ng lumapit siya sakin para kunin ang gamit ko.

"Ikaw, bakit mukha kang palaboy pag nasasabogan?" Balik tanong niya sakin. Kinurot ko ang braso niya kaya napa aray siya. "Ang ganda mo palagi, Jas" Sabi nito at na una na sa kotse.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya napahawak ako doon. Lagi naman akong kinikilig sa kanya pero bakit parang sumubra ngayon? Napapadyak akong sumakay sa kotse. Damnnnn ramdam ko pa ang init ng pisngi ko.

Mag kahawak kamay kaming pumasok sa isang sikat na Restaurant. Nakangiti ako habang tinitignan ko ang kamay naming mag kahawak kamay. Ang saya ng puso ko. Ang saya-saya ko ngayon. Naenjoy namin ang dinner namin kahit ilang beses niya akong biniro. At in the end ay siya parin ang nag bayad dahil hindi ko pala dala ang wallet ko! Naiwan ko sa bahay at kanina ko lang nalaman.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now