36

16 2 0
                                    

Hawak ni Justine ang isang bagay na hindi niya mapaniwalaang mahahawakan niya. Ang kanyang mata ay nag simulang bumuo ng isang likido at nang mabuo ay dumeretso iyon na pumatak sa kanyang makinis at maputing pisngi.

Ang kamay niya ay nanginginig, Hindi alam kung paano titigil. Gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa dahil baka mataranta si Cire kung sakaling makita siya sa kalagayan na ganon.

“H-hindi..” Nanghihinang wika niya.

“Justine? Nanjan ka pa ba? Lumabas ka na, Taeng tae na ako” Biglang napatingin si Justine sa pinto saka sa salaming nasa harap niya. Mabilis niyang inayos ang sarili saka tinago ang hawak sa kanyang bulsa.

“Teka lang” Kalmadong sagot niya.

Nang matapos sa ginagawa ay huminga siya ng malalim saka binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang hindi mapintang mukha ni Cire dahil sa sakit sa tiyan na raramdamdaman.

“Natatae na ako, Lumubas ka na” Namimilipit sa sakit na sabi niya dahilan para tuluyang lumabas si Justine. Nang maisara ang pinto ay dali-dali siyang pumunta sa kanyang kwarto at doon ay inilabas niya ang tinago niya mula sa kanyang bulsa.

Muli ay huminga siya ng malalim at biglang nataranta ng tumunog ang selpon niyang nasa malambot niyang kama. Kinuha niya iyon at napalunok ng makita ang pangalan ni Dew sa Screen.

Hindi niya alam kung sasagutin niya ba ang tawag o hindi pero kalaunan ay sinagot na lang niya dahil baka may mahalaga itong sasabihin.

“Goodafternoon, Liebe. Can we meet? Gusto kitang makita at.. Hmmm.. May gusto akong sabihin sayo” Nang marinig ni Justine ang boses na galing sa taong mahal niya ay parang nawalan siya ng lakas ng loob mag salita. Paano niya sasabihin na tapos na ang plano niya? Paano niya iiwan ito kung kailan alam na niya ang totoo?

“Sige, Mag kita tayo. May dapat din akong sabihin sayo” Kagat labing wika niya saka agad na itinapos ang tawag.

You can do it for your good damn sake, Justine.. Nasaktan mo siya noon kaya masasaktan mo ulit siya ngayon.

Nang hapon na iyon ay inabala ko ang sarili ko sa pag aayos. Ilang beses nag tanong si Cire kung pwede niya akong tulungan pero hindi ko na tinanggap pa ang offer niya dahil kaya ko naman.

When i left in her house i  also make sure na naka sara ang pinto ng bahay. Nauna siyang umalis sakin dahil may gagawin pa daw sa trabaho niya kaya naman bilang ako ang mahuhuling umalis, Ako na ang nag sara ng mga bintana at pinto. Mamaya ay uuwi lang din naman siya kaagad dahil Sabado naman ngayon.

Dew send me the location. Hindi niya ako masundo dahil may dadaan pa daw siya. Kaya naman solo akong byumahe papunta sa lugar na sinasabi niya. Hindi naman yun malayo kaya okay lang. Hindi din naman ako nahirapan sa pag hahanap ng masasakyang taxi.

Around 5:30 pm ay saktong huminto ang taxi sa harap ng isang mataas na building. Sa wari ko ay isa itong five star hotel. Ibinigay ko ang bayad ko kay manong driver saka maingat na bumaba.

Wearing my silver Heels, Red Dress and Red lips on my slight heart shaped lips, I smiled to the man whoʼs waiting for me.

Suot niya parin ang pang trabahong damit niya at mabuti na lang ay tinanggal niya ang puting dress na laging suot niya sa tuwing nasa hospital siya. Baka biglang maging pasyente niya ako ngayong araw kung hindi nkya hinubad yun.

“Hi, Beautiful” Bati niya sa akin nang makalapit ako sa kanya.

“Hello, Handsome” Balik na bati ko sa kanya saka isinabit ang kamay sa kanya.

Maingat na pinagbuksan kami ng pinto ng guard. Nang makapasok kami sa loob ay namangha ang mata ko dahil sa laki ng loob at sa mga mamahaling kagamitan. Ang sosyal.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now