16

25 4 0
                                    

Malakas ang ulan at ang tanging maririnig ay ang malakas na pag bagsak ng ulan. Sa subrang lakas ay nawalan ng kuryente kaya naman nakakapit ako sa aking kumot. Mag isa lang ako ngayon sa kwarto dahil inasikaso ni Dew si Lalaine. Baka daw kase madulas.

Umayos ako ng pag kakahiga. Sinusubukan kong matulog pero hindi ako makatulog man lang. Hindi ako mapakali sa bagay na hindi ko alam kung ano.

Ang bilis din ng tibok ng puso ko kahit hindi naman ako hinihingal.

Tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako doon. Nag pop ang pangalan ni Janelle kaya mabilis kong inabot ang selpon ko kahit hindi ko naman talaga abot.

"Elle, Napatawag ka?" Tumayo ako at inalis ang kumot. "

"Ate, Pumunta ka dito sa bahay" Hearing Jonelle voice makes me nervous.

"Bakit?Asan si Janelle? Bakit hawak mo ang cellphone niy--"

"Pumunta ka na lang dito, ate" Pakatapos niyang sabihin iyon ay tinapos niya ang tawag kaya naman nag madali akong kumuha ng jacket sa closet at iniwan ang cellphone sa kama. Hindi ko pa alam kung anong nangyayari pero kailangan ko mag madali dahil mas lalo akong kinakabahan.

Pag labas sa kwarto ay kinuha ko ang susi ng kotse ko. Hindi na ako nakapag paalam pa kay Dew dahil sa subrang pag mamadali. Wala akong nasa isip kundi ang mag madali at mapuntahan ang kapatid ko. Nang makalabas ay kaagad kong nilapit ang kotse ko. Binuksan ko iyon saka tinakbo ang gate para buksan yun at makadaan na din ako.

"Jas! What are you doing?" Rinig kong sigaw ni Dew pero hindi ko iyon pinansin. Nag madali akong pumasok sa kotse at saka ipinaharorot iyon palabasng gate. Im sorry but my sister needs me, Dew.

Tumingin ako sa rare view mirror kung saan kita ko si Dew. Malungkot ang kanyang mukha na kinalungkot ko lalo.

"Asan si Janelle?" Kaagad na tanong ko ng makapasok ako sa bahay. Lahat sila ay malungkotna napalingon sa akin. Si papa ay nakaupo sa sofa habang hawak ang kanyang dibdib.

Lumapit ako sa kanya. "Pa, Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ko.

Umiling siya at itinuro ang pinto ng kwarto ni Janelle. "M-mag p-papakamatay ang kapatid mo" Napatingin ako sa pinto na tinuturo niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatakbo papunta sa tinuturo niya. Sinubukan kong buksan iyon pero naka lock.

"Janelle, Its me, ate Jastine" Mahina at sapat lamang na sabi ko para marinig niya."Buksan mo ʼtong pinto" I didn't hear anything.

Naramdaman ko na lang ang pag lapit ni Papa
Kasabay ng pag hawak niya sa balikat ko. Lumingon ako sa kanya at kita ko ang subrang lungkot sa kanyang mga mata. Parang bigla tuloy akong nanghina.

"Ikaw lang ang pag asa ko, Anak" Tumulo ang luha niya sa kanyang nata kaya naman napakagat labi ako. Makita palang na umiiyak si papa ay parang talo na kaagad ako sa laban...parang nawawalan na ako ng lakas.

Dahan-dahan ay tumango ako sa kanya.Inihatid ko siya sa kanyang kwarto at pinahingi. Ako na lang ang gagawa ng paraan kung hindi naman ako kayang tulunga ni Ate. Bumalik ako sa harap ng kwarto ni Janelle. Nakalock parin iyon kaya naman kumatok ulit ako ng ilang beses.

"Janelle, Nakiki usap ako, buksan mo na ito"
Muli kong sinukang buksan ang pinto. Hindi parin mabuksan! Kunti na lang ay sasabog na ako sa subrang inis at halo-halong emosyong nararamdaman ko.

Hindi niya parin binuksan kaya naman kumuha ako ng bagay na pwedeng makasira sa pinto. Mabuti na lang ay gumana kaya nakapasok ako sa kwarto ni Janelle.

Umiiyak siya at nakatakip ng kumot ang buo niyang katawan kahit subrang init naman ng panahon. Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan siya ng umiwas siya sa akin.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now