40

17 2 0
                                    

Masaya ang bawat isa na sinusundan ng tingin ang tatlong taong gulang na anak ni Justine na si Dhalia. Enjoy na Enjoy ito sa pag lalaro ng bubbles sa tubig parang wala ng balak umahon kahit malakas na ang buhosng ulan.

“Malamig na dito, Kailangan mo na pumasok” Mahinang bulong ni Aidan ay Justine na masayang tinitignan ang kanyang anak.

Tumingin sa kanya si Cire na kita ang pamumula ng mata. “Ako na ang bahala kay Dhalia, Tine” Aniya at saka tinapik ang balikat ni Aidan. “Dalhin mo na siya sa kanyang kwarto”

Tumango naman sa kanya si Aidan pakatapos ay maingat na iniikot ang Wheelchair na inuupuan ni Justine.

Tatlong taon ng lumalaban si Justine sa sakit niya. At tatlong taon na din ang lumipas ng nawala sa kanya ang pinakamamahal niyang lalaki.

Malungkot na sinundan ni Cire ang kaibigan pakatapos ay lumingon kay Dhalia na tumatakbo na ngayon papalapit sa kanya.

“Its cold~i need to take a bath, Tita~~” Pakantang wika niya na ikinatuwa ni Cire.

“Come here” Nakagiting sabi niya na sinunod naman ni Dhalia. Ipinulupot niya ang makapal na towel sa katawan ng bata at saka kinarga ito.

“Where's mommy?” Hanap niya ng matapos siyang mapalitan ng damit. “I Want to cuddle her cause i know shes crying again while thinking my Daddy dew” Nang sabihin niya iyon ay natigil si Cire sa pag susuklay ng mahaba niyang buhok. “She missed my daddy dew.. Iʼm sad”Nakanguso na niyang sabi habang ipinag cross ang kamay sa dibdib.

Kahit bata palang ay alam na niya kung nasaan na ang Daddy Dew niya. Sinabi na kaagad sa kanya ni Justine ang totoo dahil ayaw na niya itong hanap-hanapin pa. Pero syempre ay kinunti-kunti niya para hindi mabigla ang bata.

Matapos ayusan ni Cire si Dhalia ay dinala niya ito sa kusina at pinakain.Ganitong Oras ay tulog na si Justine kaya ayaw na niya itong isturbuhin. Habang kumakain ay ang siyang pag labas naman ni Aidan sa kwarto.

“Daddy Aidan!” Sigaw ni Dhalia sabay takbo ng mabilis na kaagad namang sinalubong ni Aidan. “Tulog na mommy Tine?”

“Shes sleeping now, so you need to finish your food and of course you should brush your teeth before you sleep”

“Is daddy lolo will be here tomorrow? I want to see him, Daddy Aidan”

“Pupunta siya at kasama ang ate Quincy mo”

Hindi kinaya ni Justine na tumira si Quincy sa bahay ampunan. Kaya nung isang taon ay tuluyan niyang inampon ang bata. Alam iyon ng nanay ni Dew pero hindi na ito umangal pa dahil wala naman siyang magagawa sa desisyon ni Justine.Ngayon ay naninirahan na sa America ang Nanay ni Dew kasama ang kapatid niya doon.

Ang tatay ni Dew ay Isang taon ng patay.Nasubrahan sa alak kaya na see you in heaven. Habang ang pamilya naman ni Justine ay ganon parin, mahal na mahal parin si Justine.

“Im excited!” Magiliw na wika ni Dhalia. Nag pababa ulit ito upang tapusin ang kinakain.

Napatingin si Cire kay Aidan matapos ibaba nito ang Bata. Ngumiti siya at napailing ng ilang beses.Pinatunayan talaga niya na kahit anong mangyari ay hindi siya aalis sa tabi ni Justine. Her friend is too special.

Nang gabing iyon ay pinatulog kaagad ni Cire si Dhalia. Gusto niyang makapag pahinga na ang bata dahil buong araw na nag laro at nag hintay sa Lolo niya. Bukas pa naman darating pero excited na excited na kaagad.

Maingat na umalis siya sa tabi ni Dhalia at saka tahimik na lumabas ng kwarto. Gusto na din niyang mag pahinga dahil napagod siya ngunit hindi pa man nga tuluyang nakakalabasng kwarto ay napatingin siya sa nasa dulong silid kung saan rinig ang pag iyak ng kaibigan niya.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now