07

30 3 0
                                    

Hindi na alam ni Jastine kung ilang balde na ng luha niya ang kanyang naipon. Baradong barado na ang kanyang ilong pero parang walang balak tumigil ang kanyang mata sa pag iyak. Buong araw ay umiyak siya, hindi tumigil.

Ang kanina pa niyang kasama na si Aidan ay naiinis na sa kanya pero wala itong magawa kundi ang punasan lang ang kanyang luha. Naawa na siya sa binata kaya naman ng nakita niya itong nag napapagodna kakasalita at kakatahan sa kanya ay tumigil na siya.

Kahit naman ganon ay may awa siya sa binata. Mabuti na lang ay hindi siya nito iniwan dahil kung iniwan siya ay hindi na yata niya alam kung anong mangyayari sa kanya. Siguro magigising na lang siya na nasa kwarto na ng iba.

Inayos niya ang pag kakahiga at suminghot. Hindi na siya makahinga ng maayos dahil barado na ang kanyang ilong. Sumasakit na din ang kanyang ulo dahil sa walang tigil na pag iyak.

Nang suminghot ay pinunasan niya ang kanyang ilong gamit ang damit niya. Nakakadiri man pero wala na siyang pakealam. Dalawang araw na siyang umiiyak at mabuti na lang ay tumigil na ito.

Lumingon sa kanya si Aidan na nag tatype sa kanyang selpon."Mabuti naman tumigil ka na sa pagiyak. Para ka kasing namatayan" Yung puso ko ang namatayan. Inirapan ko siya saka bumangon sa pag kakahiga upang uminom ng tubig.

"Pinuntahan ka ni Dew kagabi pero ng makita ako ay biglang tinalikuran ako" Sabi pa nito na nag pakabog ng kanyang puso.

Shit! Nag kita silang dalawa? Ano na lang ang iisipin niya?!

Mabilis na kinuha ni Jastine ang shoulder bag at selpon niya.Kailangan niyang puntahan ang binata dahil kung hindi ay baka mag isip ito ng kung ano.

Nagtaka si Aidan sa ginawa niya kaya naman nag tanong ito. "Saan ka pupunta?" Ani.

"Kailangan ko siyang puntahan" Sagot niya saka mabilis na lumabas.

Naiwan nsi Aidan na parang nabagsakan ng mabigat na bato. Sino nga naman siya para pakinggan.

Hindi alam ni Jastine kung nasaan si Dew kaya naman tinext niya ang kapatid nito. Alam niyang alam ng kapatid ng binata kung nasaan ito kaya ito ang tinanong niya.

Mabuti na lang ay sinabi kaagad sa kanya at ngayon ay hinihintay na lang niyang ibigay ang number ng kwarto ng mommy ni Dew.

"Room 512 po" Mahinahong sabi ng nurse.

Nag pasalam si Jastine sa babae saka tinakbo ng mabilis ang elevator.

Hingal na hingal man siya ay hindi niya iyon binigyan ng pansin. Ang nasa isip niya lang ay ang mag paliwanag upang hindi na ito mag isip ng masama.

Nang bumukas ang elevator ay huminga siya ng malalim. Kailangan niya maging maayos lalo na kung makakaharap nito ang ina ng binata. Nang masigurong maayos na ay nag lakad siya papunta sa room na sinabi. Nakasara iyon kaya kumatok muna siya ng ilang beses. Sa ikatlong katok ay bumukas ang pinto.

Isang magandang babae na mala chinita ang bumungkad sa kanya.

"Sino ka?" Tanong nilang pareho sa isat-isa.

Ngayon niya lang nakita ang nasa harap niya at siguradong hindi ito kapamilya ni Dew dahil kilala niya ang buong pamilya nito.

Bumuntong hininga ang dalagang nasa harap niya at saka binuksan ng malaki ang pinto. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng makita si Dew na nasa tabi ng ina habang hawak ang kamay nito.

Naawa siya bigla at parang nadurog ulit ang kanyang puso.

"Dew, You know her?" Biglang sabi ng babae na nasa harap niya.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now