Chapter 7

221 21 3
                                    

Art Like Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Art Like Scars

•••

Hindi natuloy ang bukas na pagkikita naming dalawa ni Jean. Kung sabagay, wala rin naman kaming komunikasyon sa labas ng eskwelahan. Wala kasi akong numero ng telepono nila sa bahay.

Nagulat na lang ako nang makita ko si Jean nang pumasok sa eskwela na may band-aid sa kaliwang bahagi ng kan'yang pisngi. Patay na naman ang mga mata nito na nagpataka sa'kin. Pinigilan ko ang sarili kong subukan na kausapin s'ya noong umaga sa classroom habang wala pa ang teacher namin sa first period dahil gusto ko muna s'yang tantyahin. Panigurado pa lamang kasi sa ekspresyon na mayroon s'ya ay hindi ito magandang araw para mag-usap kami. Kung siguro, mamaya, kung maka tiyempo ay pwede ko naman s'yang kausapin. 

Hahayaan ko muna s'ya, at sa lunch ay babalakin ko'ng maki-table ulit sa kan'ya.

Nang dumating ang alas-dose ng tanghali ay tinanaw ko si Jean sa table na palagi n'yang inuupuan. Pinagmasdan ko ang eskpresyon n'ya pati na ang kilos n'ya, pero ganoon pa rin—katulad pa rin kaninang umaga. 

Lalakad na sana ako papunta sa kan'ya, gusto ko lang naman na samahan s'ya. Kahit 'di na kami mag-usap, kahit na may kasama lang s'yang kumain. 

Ilang silya na lang bago ko maabot si Jean ay biglang may umakbay sa'kin, tumambad ang kulot na buhok ni Earl sa'kin nang yumuko ako nang bahagya. Bigla-bigla na lamang nitong iginawi ang katawan ko papunta sa salungat na direksyon kung saan dapat ako patungo. 

"Kanina pa kita tinatawag, doon tayo umupo," sabi nito habang naka-akbay pa rin sa'kin.

"Teka, doon ako uupo sa table ni Jean," tanggi ko rito. Iginalaw ko pa ang isa kong braso para maalis ang pagkaka-akbay n'ya sa'kin, pero hindi ito bumibitaw.

Kahit na narinig n'ya iyon ay hindi n'ya ako pinakinggan at pilit n'ya pa rin akong isinama sa table kung saan malayo ito kay Jean. 

"Hayaan mo na 'yon, sanay na 'yon kumain mag-isa n'ya," sambit nito bago maupo sa table. 

Sumunod na lang ako rito at naupo na lang din dahil gutom naman na rin ako. 

Nag-alangan pa 'ko bago magsalita kay Earl. "Mukhang may mali kay Jean…" komento ko habang nakatitig sa pigura n'yang nag-iisa. Mukhang hindi nito ginagalaw ang pagkain n'ya, at kanina pa bumubuntong hininga.

Bumalik ang mga tingin ko kay Earl na bigla namang ngumisi at umiling. "Buti naman at nakita mong may tama rin 'yan. Tignan mo nga, mukhang nasampal na naman ng nanay n'ya kaya may band-aid sa mukha," barubal nitong sabi bago simulan na ang pagkain. Napangiwi naman ako sa mga salita nito, masasabi ko talagang may pagka-gago 'tong kaibigan ko.

"Ano?" Naguguluhang tanong ko kay Earl. "Madalas ba s'yang pumapasok na ganyan?"

Nilunok muna ni Earl ang nginunguya n'ya bago sagutin ang tanong ko. "Depende, minsan sa tainga n'ya may band-aid, minsan naman sa ibang parte ng mukha n'ya o katawan n'ya. Madalas 'yan nangyayari kapag nale-late s'ya ng uwi. Tumatawag kasi si Tita Luisa sa'kin kapag curfew na n'yan at wala pa s'ya sa bahay. Palagi ko namang hindi alam kung saan pumupunta 'yan."

"Paano mo naman nalaman na gawa 'yan ni Tita Luisa?" Usisa ko rito. Ang hirap kasing paniwalaan ng sinasabi n'ya, 'di ko naman sinasabi na sinungaling s'ya, pero minsan naman kasi sinungaling talaga s'ya.

Tinatamad ako nitong tinignan. "Kinabukasan pagkatapos akong tawagan ni Tita Luisa para tanungin kung nasaan 'yan si Jean, makikita mo na gan'yan ang itsura n'yang papasok sa eskwela. Halatang tinuruan ng leksyon ng nanay n'ya."  

Sumimangot ako sa kwento ni Earl. Naiintindihan kong may curfew ang ibang mga ka-edad ko, pero para saktan s'ya nang paulit-ulit dahil lang doon? Hindi 'yon tama.

"Hindi ba mali 'yong ginagawa sa kan'ya? Kung ako ang anak, baka matagal na 'kong nag-layas kung gan'yan," mapait kong sambit. 

"Hindi rin tama na mag rebelde s'ya," depensa nito.

"Sigurado ka ba'ng nagrerebelde talaga 'yang kabigan natin? O hindi lang natin s'ya naiintindihan?"

Ibinaba ni Earl ang plastic na kubyertos na gamit n'ya pagkatapos ko'ng sabihin iyon.

"Matagal na kaming hindi magkaibigan ni Jean, at kung sa tingin mo ay kaibigan pa rin ang turing n'ya sa'yo, Pre, gumising ka na," atas nito. "Helpless case na 'yang babaeng 'yan." 

Malabo para sa'kin kung ano ang pinaghuhugutan ni Earl nang pagkainis n'ya kay Jean, lalo na sa tono nito na parang ang laki-laki ng atraso sa kan'ya ni Jean. 

Ang hula ko lang ay may naging seryoso silang problemang dalawa kaya ganito siya magsalita. Kung ano mang rason n'ya, mapapalabas ko rin 'yon sa bibig n'ya.

Kung huhusgahan ko naman kasi agad si Earl at sasabihing ang tarantado n'ya harap-harapan ay hindi naman iyon patas; hindi ko kasi alam ang kwento nila. 

Pero kung hahayaan ko naman n'yang insultuhin si Jean, sa akin na ang may mali.

Dinampot ko ang pagkain ko na hindi ko pa nagagalaw, sinundan ako ni Earl ng tingin habang papatayo ako mula sa kinauupuan ko.

"Hoy, sa'n ka pupunta?" tanong nito na hindi ko na inabala pang sagutin. Tumalikod na 'ko para umalis papalayo sa kan'ya.

Kung hindi man maibabalik ang dati na kaming tatlo palagi, ay wala na 'kong balak pang pipilitin. Dahil sa ngayon, hindi na tanging 'yon ang gusto kong buuin; mas pipiliin ko na lang na buuin ang mga kasagutan patungkol kay Jean na hanggang ngayon ay pira piraso pa rin.

••

Nang matapos ang klase ay doon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob para lumapit kay Jean. 

Nagliligpit ito ng mga gamit n'ya, at nang patayo na s'ya ay doon lang kami nagkaharap dalawa. 

Magsasalita pa lang dapat ako ay inunahan n'ya na ako. 

"Sorry, pero hindi ako pwede ngayon. May importante lang akong kailangan asikasuhin," tukoy nito sa proyekto namin. 

Hindi maiwasan ng mga mata ko na mapunta ang tingin ko sa band-aid na nakadikit sa isang kabila ng pisngi n'ya. Dahil doon ay nag-iwas si Jean ng tingin. Bahagya n'yang itinagilid ang mukha n'ya, dahilan para bumagsak ang buhok n'ya sa parte ng pisngi na 'yon para maitago ito kahit napansin ko naman na.

"Ah, ayos lang. Marami pa naman tayong oras para gawin 'yon, tsaka kaunti na lang naman matatapos na rin natin 'yon," nautal ako sa mga unang salita, pero pilit kong nilagyan ng sigla ang boses ko para maitago iyon.

Tumango lang sa'kin si Jean bilang sagot. Mukhang wala naman na 'tong sasabihin pa kaya naisipan ko nang magpaalam rito. 

"Sige, Jean. Mauna na 'ko, ingat ka," mabilis na paalam ko rito.

Akmang tatalikod na sana ako, pero natigilan ako nang may pahabol ito. 

"Sandali, Vale," tawag n'ya sa'kin. 

Humarap ako rito at tanging ang mga mata ko na lang ang ginamit ko upang magtanong kung ano pa ang pahabol n'ya pang kailangang sasabihin.

"Sorry pala… no'ng Biyernes," paumanhin n'ya sa nahihiyang boses.

Dito na ako nagtaka, kung bakit s'ya humihingi ng pasensya. Noong Biyernes pa lang ay nakailang hingi na s'ya ng pasensya bago umuwi, hanggang ngayon ay humihingi pa rin s'ya ng paumanhin.

Tinitigan ko s'ya kahit na nasa sahig nakatuon ang mga mata n'ya. Hinihintay ko na baka sakali, may makita man akong mali. Baka sakali, masabi n'ya kung anong mali.

Dumaplis ang tingin n'ya sa'kin bago umiwas 'to ulit. "Huwag mo sabi akong titigan nang ganiyan…" reklamo n'ya sa'kin.

Pero hindi ako nagpatinag. Kailangan ko s'yang tanungin.

"Jean, okay ka lang ba?"

•••

Art Like ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon