Chapter 8

219 22 5
                                    

Art Like Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Art Like Scars

•••

Simula noong pag-uusap namin ni Jean noong Lunes ay hindi ko na s'ya ulit pang nakausap, maliban sa pagbati na araw-araw ko namang ginagawa. Lalo na't student council officer na 'ko, isa 'yon sa duty namin—ang batiin ang bawat estudyante. Nakakatawa man pakinggan, pero 'yon ang utos sa'min ng presidente ng SC. 

Naging abala ako para sa student council dahil maraming planong dapat ilaan para sa mga parating na aktibidades, idagdag pa ang paparating na 75th foundation week ng Dumangan.

Kahit na tambak ako ng gawain na kailangang isipin, hindi ko pa rin maisawalang bahala ang kwento ni Earl sa'kin. Hindi ako mapakali roon, naiisip ko kung totoo bang ganoon ang nararanasan ni Jean kay Tita Luisa. Lalo na't hindi naman ito istrikta dati sa kan'ya. Malayo 'yon sa karakter ni Tita Luisa no'ng mga bata pa kami, ni hindi nga napapalo si Jean dahil masunurin naman 'to sa kanilang dalawa ni Mang Rene. 

Kung minsan ngang pumapasok si Jean nang ganoon ang itsura at nagsasabi na sinasaktan s'ya ng nanay n'ya, 'di ba ay dapat akong mabahala? O mabahala man lang ang iba?

Hindi normal ang pisikal na pananakit, o pananakit kahit sa ibang paraan. 

Binabawi ko na ang sinasabi ko na 'di ko pwedeng tawagin na tarantado si Earl, dahil tarantado talaga s'ya para pabayaan si Jean ng ganoon na lang.

Sumapit ang araw ng Sabado kung saan family day, inaabangan ko kung dadalo si Jean, pero mukhang suntok naman 'yon sa buwan. 

Tama naman ang hinala ko, hindi nga talaga s'ya dumalo.

Nagtagal lang ng isang oras ang kasihayan ng family day. Pagkatapos nito ay nagpaalam ang mga magulang ko sa'kin na sasaglit sila sa bayan dahil mayroon pa silang aasikasuhin, mag-isa tuloy akong uuwi.

Tirik ang araw dahil alas-onse na rin ng tanghali. Naisipan ko na sa bukid ako dadaan para presko kahit papaano dahil maraming puno doon. 

Mula pa lamang sa malayo ay may natanaw na 'kong kakaiba. Kilala ko ang pigurang nagtatakbo, hindi ako pwedeng magkamali. Dali-dali akong lumapit dito. Kahit pa na hula ko na kung sino 'yon, ay gulat ko pa rin nang malinaw kong makita na si Jean nga ang nagtatatakbo. Hinahabol ng aso ang isang manok at naroon si Jean; hinahabol naman ang aso. Nakamahabang palda pa rin ito kahit mainit, kapares nito ang isang puting blouse na nagpalitaw sa morena n'yang kutis.

"Jean!" tawag ko rito. Hindi ko na naitago sa boses ko kaunting tawa. 

Pawisan itong tumingin sa'kin, nanglaki ang mga mata n'ya. Umayos ito ng akto, tumigil s'ya sa pagtakbo at umiwas sa'kin ng tingin. 

Lumapit ako rito at sinitsitan ang aso para mapaalis ito, habang tumakbo naman papalayo lalo ang manok kung saan sinundan ito ni Jean ng tingin.

"'Yong manok…" sambit nito na may awa sa boses n'ya. 

Art Like ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon