Chapter 15

162 18 0
                                    

Art Like Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Art Like Scars

•••

Kahit na nagtataka ako bakit kami tumatakbo ni Jean habang hawak-hawak nito ang kamay ko ay sumunod na lang ako sa kan'ya. Nagpahatak na lang ako at binitawan ang atubili sa pagtakbo namin papalayo kay Earl.

Lumingon ako na hindi lalagpas ng isang segunda para makita si Earl, nadatnan ko na nakasunod pa rin 'to sa'min. Natatawa na lang tuloy ako sa sitwasyon na nangyayari. Para kaming mga tanga. 

Ilang minuto ang lumipas ay napagod na rin kami ni Jean, ramdam ko na ang hingal at bumagal na rin ang paggalaw ng mga biyas namin. Sa katatakbo ay napunta na pala kami sa lugar na hindi naman kami nararapat nandoon. Sinalubong kami ng mga damo at ng mga lapida—nahinto kami bigla sa pampublikong sementeryo ng Dumangan.

Pinahinga muna namin ni Jean ang sarili namin sa pagtakbo, pero ang paghinga naman namin ang tumatakbo ngayon. Napahawak ako magkabilang tuhod ko, habang si Jean naman ay ibinaba sa damuhan ang nakasakbit n'yang bag at napahawak sa dibdib n'ya. Maya-maya lang din ay nahabol na kami ni Earl na katulad lang din namin ang sitwasyon. Tagatak ang pawis nito na naghalo na sa kulot n'yang buhok. 

Umayos ng tayo si Jean at dinuro si Earl. "Bakit mo ba kami hinahabol ha?" bulyaw niya rito habang humihingal pa rin. Matalas ang mga tingin ni Jean na nang-uusisa.

Hindi agad sumagot si Earl kaya salubong na kilay lang ang binigay nito kay Jean. Nang umayos s'ya ng tayo ay nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga.

"Bakit ba kasi kayo tumatakbo?" singhal naman nito. Nagawa pa nitong suklayin ang gulo-gulong buhok n'ya gamit ang mga daliri n'ya.

"Anak ka ng…" Kinuyom ni Jean ang palad n'ya at lumapit dito, dali-dali akong pumagitna sa kanila. Ayoko naman na mag-away pa sila, dito pa kung saan mapayapang may mga nakahimlay. Nanahimik ang mga ito at baka magambala pa nila.

Para ko silang dalawang nakababatang kapatid na nag-aaway dahil sa kaunting pagitan lang ng taas ni Earl kay Jean. 

Binagsak ni Earl ang dalawang braso n'ya, habang si Jean naman ay nakataas noo pa rin kasama na ang isang kilay n'ya. Humalukipkip ito at mukhang hinihintay na humirit ulit si Earl.

"Hindi ako nandito para makipag-away," malumanay na sabi ni Earl. "Nandito ko para humingi ng sorry," tuloy n'ya bago ibaba ang ulo n'ya, iniiwasan ang mga tingin ni Jean sa kan'ya.

"Hindi ko kailangan ng sorry mo," ani Jean sa matigas na tono. 

Pumalatak si Earl at ngumiwi. Agad-agad din n'yang hinarap ulit ang kausap n'ya. "Tangina, Jean. Humihingi na nga ako ng sorry sa'yo, ano pa ba gusto mo!?" tumaas ang tono nito. Miski ako ay napangiwi sa lakas ng boses n'ya.

Naglabas ako ng buntong-hininga, kailangan nilang huminahon pareho. "Sandali, kumalma kayo-" 

Pinutol ni Earl ang sasabihin ko. "Gusto mo ba lumuhod pa 'ko?" atas nito at nagbaba akyat ng tingin sa damuhan at kay Jean.

Art Like ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon