Chapter 10

194 20 0
                                    

Art Like Scars

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Art Like Scars

•••

Sobra ang pag-aalala ko kay Jean sa nangyari kahapon, kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Mukha tuloy totoo nga ang sinasabi ni Earl na may magandang hindi nangyayari kapag hindi nakakauwi si Jean sa tamang oras. 

Nag-aalala ako kasi alam kong may kasalanan ako, kung hindi n'ya ako hinintay, maaga sana s'yang nakauwi. 

Papasok ng eskwela ay gusto ko agad s'yang makita, buong gabi kasi ay nakatatak sa isipan ko ang eskpresyon n'ya nang lingunin n'ya 'ko bago s'ya pumasok ng bahay nila. 

Bumilog ang mga mata ko nang makita ko si Jean na naglalakad sa pasilyo ng ikatlong palapag patungo kung nasaan ang classroom namin. Binilisan ko ang lakad ko at tinawag ang pangalan n'ya. 

Nakarating na s'ya sa harapan ng pintuan ng classroom nang lingunin n'ya ako. Naging malinaw lang ang nagtatanong n'yang mga mata nang makalapit na 'ko sa kan'ya. 

"Bakit?" ang bungad n'ya sa'kin.

Inaral ko ang pagmumukha n'ya kaya hindi agad ako sumagot, naghahanap ako ng mali, naghahanap ako ng pruweba. 

"Okay ka lang ba?" tanong rin ang isinagot ko sa kan'ya, hindi ko na inabala pang itago ang pag-aalala sa boses ko. 

Mabilis s'yang nag-iwas sa'kin ng tingin. "Bakit naman hindi ako magiging okay?" aniya at pumasok na sa loob ng classroom.

Agad s'yang umupo sa silya n'yang bungad agad pagkapasok pa lang. Habang heto ako, nakatingin pa rin sa kan'ya. Naguguluhan, dahil parang nag-alala ako para lang sa wala. 

Siguro nga, wala namang mali. Pero mas maayos na 'yon, 'di ba? Mas maganda nang nagkamali ako, kaysa naman totoo ang hinala ko.

Nawala sa isipan ko na nakatayo pa rin pala ako sa harapan ng classroom nang bigla na lang may umakbay sa akin. 

"Gwardya ka ba?" Tinig iyon ni Earl. Ginawi ako nito papasok ng kwarto at patungo sa silya namin. 

Napapasulyap pa rin ako kay Jean. Tutal ay gagawin naman namin mamaya ang proyekto ay doon ko na lang s'ya kakausapin. 

Lumipas ang ilang minuto at nagsimula na ang klase, habang ang nasa isip ko lang ay mag-uwian na. Mabuti na lang ay araw ng Biyernes kung saan maaga ang uwian namin. 

••

Natapos ang klase nang matiwasay, bitbit ang bag ko at ang proyekto naming lampara na hindi pa tapos ay tumungo ako sa upuan ni Jean. 

Tumabi ako rito at hinintay muna namin na magsi-uwian ang iba naming kaklase. Nang iilan na lamang ang natira ay umupo na kami sa lapag ni Jean at doon ko nilabas ang mga materyales na dala-dala ko. 

Kung tutuusin, kakaunti na lang naman ang kailangang gawin para rito, kaya ko'ng tapusin 'to na mag-isa lalo na't ako ang nag-uwi ng mga materyales, pero pinili ko na huwag muna itong tapusin dahil ayokong pangunahan si Jean. Sa paraan na ito ay makakasama ko rin s'ya para makausap.

Art Like ScarsWhere stories live. Discover now