Chapter 9

205 18 1
                                    

Art Like Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Art Like Scars

•••

Matapos ang pag-uusap namin ni Jean sa bukid ay sinubukan kong mag-isip kung anong posibleng rason ng galit n'ya sa lugar na 'to. Wala naman akong matatanungang iba at ayoko naman lalong tanungin si Earl.

Pero nang dumating ang unang linggo ko sa student council ay nawala pansamantala ang atensyon ko kay Jean. Naging abala ako sa posisyon ko rito, lalo na't maraming nakalaang plano ang SC para sa kasalukuyang school year.

Dahil madalas nang nakalaan ang oras ko sa meetings, student council activities, at iba pa, ay napapadalas din ang uwi ko kung saan malapit nang mag gabi, o mismong gabi na. Kapag sa eskwela naman, nakiki-table na rin ako sa mga ka-miyembro ko kapag lunch. Aaminin ko tuloy na hindi ko na nasasabayan si Jean kumain, at dumadalas ang mga araw na hindi ko na s'ya nakaka-usap.

Ngayong malapit na rin ang 75th foundation week ng Dumangan High School, kung saan milestone ito ay mas engrande ang gustong selebrasyon para sa eskwelahan, kaysa sa mga nakaraang foundation week. Ang balak pa naming student council ay mag renta ng perya, para naman maiba. Sa ganoon, mas maaalala ng mga estudyante ang selebrasyon na magaganap. 

Pagkatapos ng huling klase ko para sa ngayong araw ay agad na akong umalis upang dumiretso sa unang palapag ng 4th year building, kasabay ko'ng naglalakad sa pasilyo ang iba pang estudyante na pauwi. Ang kaso lang ay patungo ako sa kwarto kung saan kaming mga miyembro nagtitipon upang magpulong.

Nang pumasok ako sa kwarto ay ako pa lamang ang tao. Nakatakda kasi naming ayusin itong lugar na ito ngayong araw para naman talagang magmukhang 'meeting room.' Kalat pa kasi ang mga upuan, kulang ng isang table, at maraming alikabok. Pag-iisipan pa namin kung kailangan nitong pinturahan ng bago dahil luma na ang itsura ng kwarto. Imbis na puti, gusto ng presidente na gawing dilaw ang pintura. Masyadong matrabaho, sabi nga ng iba, pero kung gusto talaga nila, susunod na lang ako.

Ilang minuto ang nakalipas ay nagsi-datingan na rin ang iba kong ka-miyembro. Sinimulan na namin agad ang paglilinis ng kwarto na naging mabilis naman dahil kumikilos ang lahat. Kasunod noon ay pag-aayos naman ng mga laman nito.

"Vale, pakitulungan naman si Sandro. Lumabas 'yon, kinuha 'yung kulang na table sa building ng mga second year. Hanggang ngayon 'di pa rin nakakabalik," utos ni Veera, ang bise presidente. Halatang pagod na ito, at dahil mainit pa rito ay tumatagaktak na ang pawis namin pare-pareho.

Sinunod ko ang sinabi n'ya, ngunit noong paglabas ko ng kwarto ay bumungad na agad sa'kin si Sandro na dala-dala ang kwadradong lamesa na gawa sa kahoy. Tinulungan ko itong ipasok iyon sa loob. 

"Ang layo-layo ng pinagkuhaan ko nito, tapos ako lang ang inutusan mo?" Hingal na angal ni Sandro kay Veera. Pero hindi naman s'ya pinansin nito, parang wala itong narinig. 

Napatingin sa'kin si Sandro, sa student council, s'ya ang third year representative. Kaya siguro s'ya ang pinagbuhat dahil may kalakihan ang katawan nito, balita ko kasali 'to sa basketball team ng Dumangan. Minsan pa nga ay inaaya ako nitong maglaro.

Art Like ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon