Chapter 16

181 15 2
                                    

Art Like Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Art Like Scars

•••

Matapos ang komprontahan ni Jean at Earl ay mukhang normal naman ang lahat, bumalik lang din sila sa dati—wala pa rin silang pansinan katulad din ng dati. 

Sumasabay pa rin ako kay Jean kapag lunch, at gusto ko man ayain si Earl na sumabay, e ayoko naman na maging nakakailang ang sitwasyon lalo na para sa kanilang dalawa. Kaya iyon si Earl, kasabay na lamang ang iba naming katropang lalaki. Minsan ay ang miyembro rin ng student council ang kasama nito katulad nila Sandro.

Ngayong lunch ay nanatili ako sa table namin ni Jean habang siya naman ay bumibili ng kakainin n'ya. Hindi kasi s'ya nagbabaon ng lunch katulad ko, kaya imbis na sa classroom kami kumain ay dito kami lagi sa canteen. 

Nang makabalik na s'ya sa table namin ay doon lang din ako kumain para sabay kami. 

"Tungkol doon sa aya ko, Jean—sa Maynila, hindi ka ba talaga sasama?" tanong ko rito. 

Napakamot 'to ng ulo n'ya. "Kahit ba naman gusto ko, hindi rin ako makakasama. Ayoko rin magpaalam sa kanila," malungkot na sagot n'ya.

Napahawak ako sa baba ko at napatingin sa kawalan para maka-isip. "Ganito na lang, tutal sa susunod na Linggo pa naman iyon, hihintayin ko ang sagot mo bago ang araw na nakaplano," suhestiyon ko. 

"Sa araw ng birthday mo nakaplano ang pag-alis, 'di ba?" tanong n'ya na sinagutan ko naman ng isang tango. "Hindi ko talaga alam, Vale. Pero susubukan ko, subok lang ah." 

Kung ano man ang magiging sagot ni Jean ay ayos lang sa'kin. Ayoko naman kasi s'yang pilitin lalo na istrikto ang mga magulang n'ya. Gusto ko lang talaga s'yang dalhin sa Maynila para mamasyal sa birthday ko. Lalo akong nae-engganyong dalhin s'ya roon dahil iba ang pag-aliwalas ng mukha n'ya tuwing babanggitin ko ang Maynila na akala mo ay napakalayo no'n sa Dumangan.

Nagulat na lang ako nang biglang inilapag ni Jean ang parehong palad n'ya sa lamesa kaya gumawa ito ng ingay, napatigil ako sa pagkain. Nagkaroon ng buhay ang mga mata n'ya na parang may magandang gustong sabihin ang mga ito.

"Alam ko na! May plano ako," maligalig n'ya na sabi. "Tutal, araw ng Linggo 'yon may plano ako kung paano ako makakasama!" 

Nahawa ako sa ngiti ni Jean kahit hindi ko pa alam kung ano ang plano n'ya, parang sa pinta pa lang ng mukha n'ya ay gusto ko nang sumang ayon sa plano nito. 

Pumalumbaba ako at handa nang makinig sa kan'ya. "Ganito, tutal sa araw nga ng Linggo ang plano at paniguradong dadalo kami ng misa bandang alas-siete ng umaga non, pwede tayong tumakas kapag communion na," paliwanag n'ya sa planong naisip n'ya. 

Napaisip din tuloy ako, tutal nga ay hindi kami mapapansin ng magulang n'ya kung aalis man kami sa mga oras na 'yon ay maitatakas ko s'ya. Ang kaso lang, ayoko naman na umalis kami ng patago. Parang may mali kaming gagawin kung ganoon.

Art Like ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon