Chapter 21

177 20 8
                                    

Art Like Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Art Like Scars

•••

Makalipas ang tatlong araw noong tree planting na naganap sa Hardin ng San Jose ay hindi na naman nagpakita si Jean. Napatanong na tuloy ako kay Earl kung sakali man na may alam 'to kung bakit napapadalas ang pagliban ni Jean sa klase, pero ang lagi lang sinasabi nito ay huwag akong mag-alala, panigurado raw ang ayos lang daw ‘yon. Walang katiting na kasiguraduhan roon kaya pinilit ko ito na tawagan n'ya si Tita Luisa. Ginawa naman nito, ang kaso lang ay palagi daw walang sumasagot sa telepono sa bahay nito. 

Nagkaroon na naman ng problema sa bahay nila dahil dumalo s'ya sa tree planting? O alam ng pamilya n'ya na may nalalaman akong hindi alam ng iba? Imposible naman siguro. 

Balak ko na lamang s'yang puntahan mamaya sa bahay nila pagkatapos ng klase. Kung bubulyawan man ako ng amain n'ya ay hahayaan ko na lang. Mas mahalaga na alam ko kung ano ang kalagayan ni Jean sa ngayon. Hindi naman kasi n'ya ugali ang hindi pumasok sa eskwela, at kahit outcast s'ya ay matataas ang grado n'ya. 

Wala ang isip ko sa itinuturo ng guro namin sa Math, nilalaro-laro ko lang ang ballpen na hawak-hawak ko. Gusto ko nang bumilis ang oras para naman mag-uwian na. 

Natuon ang tingin ko sa harapan nang tumigil sa pagsasalita ang guro namin dahil may kumatok sa pintuan, namukhaan ko si Dr. Aguilar, ang vice principal ng Dumangan High School. May sinambit ito sa guro namin na hindi maabot ng pandinig ko. 

Matamlay lang akong nakatingin sa kawalan at napaayos lang ng upo nang biglang tawagin ang apelyido ko.

"Mr. Senon, kailangan ka raw sa Principal's Office," anunsyo ng guro namin. 

Napakunot ako ng noo, bakit naman ako kakailanganin doon? Ni isang beses sa buhay ko ay hindi pa 'ko napatawag sa Guidance Office, o Principal's Office. 

Naramdaman ko ang tingin ng halos lahat ng kaklase ko dahil sa pagbanggit sa pangalan ko. Mabilis akong tumayo upang lumabas ng klase at sumunod sa Vice Principal. Hindi ito nagbitiw ng kahit anong salita sa akin, buti na lang, dahil wala rin naman akong balak kausapin ‘to.

Sa katabing building ng mga 3rd year at 4th year students nakapwesto ang building kung saan naroon ang Principal's Office, Guidance Office, at ang Faculty. Ito lamang ang natatanging may aircon na pasilidad, dahil sabagay, public school naman ito at hindi nagbabayad ang mga estudyante kaya hindi kami pwedeng umangal. 

Si Dr. Aguilar ang unang pumasok sa opisina, at kasunod naman ako. Bumungad sa'kin ang amoy ng mga libro, at ang mga lamig na temperatura mula sa air conditioner ng kuwarto. 

May narinig akong hikbi na tumakas, at laking gulat ko na lamang nang makita ko ang nanay ni Jean na umiiyak. Kasama nito si Pablo, na nakahawak sa balikat ni Tita Luisa upang patahanin ito. Biglang kumabog ang puso ko, may nangyari ba kay Jean kaya sila nandito? 

Art Like ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon