Chapter 8

27.9K 563 15
                                    

********

hello guys! happy new year!!! pagpasensyahan nyo na if medyo magtagal nang kaunti ang update nito.  Actually, almost done na ako sa story na 'to pero wala pa naman masyadong reads at puro reading list pa lang kaya intay-intay lang po.  kakaunti na nga lang basa, di pa vote hehe nakikita ko rin naman po kung sino yung nagbabasa talaga, at pretending lang! hehe ^_^v... pero sa mga nagbabasa po at nagvo-vote, I truly appreciate you guys.  Wala naman po kaming nakukuha from writing this stuff, may mapasaya lang, good na good na! kaunting pakunsuelo lang naman po ang hinihingi namin. :)

anyways, may all your wishes come true this coming year! God bless everyone!!! :)))

********

CHAPTER 8

            Hindi rin naman tinagalan ni Lee na hindi sundan ang asawa.  Mas nanaig sa kanya ang pag-aalala dito.  Kaya naman sakto ring pagpasok niya sa kanilang kwarto ay bumungad sa kanya ang asawang nakaupo lang sa isang tabi at tila ang lalim nang iniisip.

            “Honey,”  Mahinang tawag pa niya dito sabay lock sa pinto.

            “Honeyhin mo mukha mo!”  Galit pang sabi nito sabay tayo sabay   ibinalibag din dito ang mga papel na naglalaman ng tungkol sa pagkatao niya.

            “So, now you know…”  Pilit na pagpapakalma pa niya sa sarili at sarkastikong ngumiti.

            “Anong ningingiti-ngiti mo diyan?!”  Galit pang tanong niya sa asawa.

            “Don’t act as if ang linis linis mo!”  Nakaismid pang sagot lang din niya.  Naupo siya sa bed at matamang tinitigan ang babae.  “Hindi mo rin naman ako mahal diba?  We both marry each other for two different reasons!”

            “Fine!”  Hindi na rin naman siya tumanggi pa at pilit na pinakalma ang sarili. “Sige, ibaba mo na ang mga baraha mo!”  Hamon pa niya dito.  “Ano bang plano mo sa marriage na ‘to?!  Bakit mo ba talaga ako pinakasalan?!”

            “Tsss…”  Iiling-iling pa siya dito.  “Bakit kaya hindi ikaw ang mauna?  Ladies first!”  Sarkastiko pa itong ngumiti ulit at mataman ulit na tinitigan ang babae mula ulo hanggang paa.  “Tell me!”

            “Fine!”  Pigil ang bugso nang damdamin niya.  Huminga muna nang malalim bago magsalita.  “Pinakasalan kita dahil gusto kong makarating sa America!  'Yun lang!  Hindi ko pinangarap na pamanahan mo ako!  E ikaw?  Niloloko mo na ako?  Pinagsasamantalahan mo pa ang pagkababae ko?!”

            “Excuse me?!”  Galit din namang buwelta niya dito.  “Husband and wife tayo right?  Legally married!  And even if we both have evil intentions, pinili mo pa rin ang magpakasal sa akin!  Kaya 'wag kang mangarap diyan na pinagnanasahan kita or anything dahil obligation mo 'yun as my wife!”

            “Bakit mo nga ba ako pinakasalan in the first place huh?  Para pagalitin ang parents mo?”  Matalim pang tingin niya dito.

            “Yeah!”  Mabilis din namang sagot niya.  “I don’t want to go back in New York!  I want a life not controlled by my parents!”

            “Hmm…”  Malalim pa siyang napaisip.  “Bakit hindi na lang tayo magkasundo?  Gumawa tayo ng agreement.”  Suggest pa niya sa asawa.

            “What agreement?”  Kunot-noo pa siya.

            “Tutulungan mo akong makarating sa America at tutulungan kitang maipaintindi sa parents mo ang gusto mong mangyari sa buhay mo.  Hindi ako pupunta sa America hangga’t hindi naaayos ang buhay mo dito sa Pilipinas.”

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon