Chapter 16

30K 682 11
                                    

Thanks po sa non-stop support nyo sa LC ha.  actually po, eto na ata ang pinaka-daring ko na! wahahaha daring na 'to sa lagay na 'to! hahaha but yes, totoo po. as in!  if mababasa nyo po kasi yung ibang story ko, hindi masyadong sensual ba ang tamang term? correct me if I am wrong.  and this one, pilit lang! :)  but it came out okay?  I guess..... feelingera lang! hehe  basta thank you!  masaya po akong kahit paano may nagbabasa nito.  7k reads na nga ayaw ko pa ba nun? hahaha God bless everyone!

<3 dean :)

 

********

CHAPTER 16

Matapos nga lang din makauwi at makapaligo ni Min ay agad na rin siyang nagdiretso sa kanyang trabaho.  Mabuti na lamang din at umabot pa rin siya sa oras at hindi pa rin naman siya na-late.

“Min!  Kamusta?!”  Si Carly na abot-tainga ang ngiti.

“Luka-luka ka talaga!”  Inirapan pa siya dito habang inaayos ang kaha.  “Bakit kay Lee mo pa ako pinahatid?!  Puwedeng ikaw na lang sana ang naghatid sa akin diba?!”  Dinilatan pa niya iyon.

“Hello!  Ni hindi ka nga magising sa kalasingan mo!”  Natatawa pa ito.  “And besides, ayaw mo nun?  Nagkaroon kayo ng private moment together?”  Nangangarap pang sabi nito.  “I can imagine being with that super gwapo husband,”  Napabuntong-hininga pa ito.  “Parang ayoko nang umalis sa bed.”

“Baliw ka talaga!”  Ismid pa niya dito.

“Hello!  'Wag ka na nga mag-pretend na hindi mo gustong si Lee ang kasama mo ng gabing iyon!  Wari ka pa e obvious namang inlababo ka pa rin dun!”  Nanunukso pang himig nito.

“Salamat ha…”  May panungit pang himig niya.  “Salamat at tinutulungan mo akong maka-move on sa lagay na yan!”  Sinimangutan pa niya ito.

“Aminin mo na!  Inlove ka pa rin sa husband mo 'no?”  Pilya pang tukso nito.

“Lubayan mo nga ako at magtrabaho ka na!”  Bahagya pa siyang umirap dito.

“Oh my,”  Bigla pang nagdumilat si Carly.  “Look who’s coming…”  Natulala pa ito sa pagkakatitig sa paparating… si Lee.

Napatanga rin naman si Min sa pagkakatingin sa asawa na noo’y gwapung-gwapo sa suot nitong long sleeve na may light colored stripes at black soft pants!  Naka black shades din iyon na talaga namang nagpamukhang mayaman lalo ang dating!

“Shit! Ang gwapo…”  Si Carly na pigil ang kilig.

Siya naman ay pilit na nagpaka-kaswal kahit na nga kumakabog nang husto ang dibdib niya.

“Hello, Mrs. Ramirez…”  Nakangiting bati pa ni Lee dito.

“Mrs. Ramirez ka diyan!”  Umismid pa siya dito sabay napatingin kay Carly na kulang na lang ay himatayin sa sobrang kilig.

“Lee!”  Masayang bati pa ni Brent.  Ang may-ari ng coffee shop na pinagta-trabahuhan ni Min na nagkataon ring long time friend niya.

“Bro!”  Si Lee na noon na lang din nagtanggal ng shades at nakipagyakapan sa kaibigan.  “How are you?”

“Great!  You? How long have you been here?”  Kunot-noo pa ito.

“A couple of days already.  Been dead busy since day one with my parent’s business.”  maikling kuwento pa nito.

“Fuck it,”  Napailing pa ito.  “Pity on you…”

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon