Chapter 22

35.9K 609 9
                                    

CHAPTER 22

Nang mga sumunod na araw ay higit na nakumpleto ang kaligayahan nina Lee at Min.  Pansamantala nga ay sa coffee shop na lang muna pumapasok si Min habang hindi pa nakakausap ng asawa ang kakilala umano nito sa hotel na pinagta-trabahuhan niya.

“I never thought that you’ll look a lot sexier wearing my long sleeve.”  Kagat-labi pang tumitig si Lee sa asawa na noon nga ay suot ang white long sleeve niya.  Aksidente kasing natabig niya ang pitcher ng tubig na nasa side table at tumapon lahat sa nakabukas na maleta nito.

“Ang kulit mo kasi! Dapat kasi inilipat ko na lang ‘to sa closet sa kabilang room.”  Hindi pa niya naiwasan ang mapakamot ng batok.

“Hindi na kailangan, may ipinatawag na akong carpenter na gagawa ng closet mo dito sa room ko.  Baka naman ngayong araw maayos na rin yan.”  Kampante pang sabi lang niya.

“Gan'un lang ba kabilis gawin 'yun?”  Taka pa siya.

“Here in New York, that is what you called fast technology. Marami dito nun.”  Payak pa itong napangiti.

“Sa Pilipinas, manu-mano…”  Pabirong dugtong pa niya sabay mahinang tumawa.  “Hindi ka ba pupunta sa office ngayon?” Pagbabago pa niya nang usapan.

“Off mo ngayon, right?”  Nakangiti pang sabi nito.  “So, I am having my day-off too.” 

Napailing lang siya sa sinabing iyon ng asawa at bahagyang yumuko upang kuhanin ang nalaglag niyang hikaw.

Agad namang pumito si Lee nang sa pagyuko nito ay bahagyang lumitaw ang puwitan nito.

“Lee!”  Agad namang namilog ang mga mata niya lalo pa nga’t nawala sa loob niyang wala siyang pang-ibaba. 

“Damn… sexy…”  Kagat-labi pa ito sa gigil.

Agad naman siyang namula lalo pa nga’t kahit pa may nangyayari na sa pagitan nila ay hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam nang hiya.

“Maybe we can have an early snack?”  Pilyo pang sabi niya sabay kabig sa balakang nito.

“Puro ka kalokohan.”  Bahagya pa niya iyong tinapik sa balikat.  Pero hindi niya kayang ikaila na sobrang ‘hot’ naman talaga ng asawa niya.  At ngayon nga ay hubad baro pa iyon.  Nabalandra ang well toned abs nito.   Well-defined broad shoulders. Lean and toned muscles. Lahat nang magagandang pisikal na katangian ay nandito na.  Kahit sa mukha pa lang siya mapatingin, sobrang busog na siya!

“Ready na ako.  Towel na lang ang tatanggalin ko.”  Pilyo pang sabi nito lalo pa nga’t kakapaligo pa lang din nito.

“'Di ka ba nauubusan ng energy?”  Pinisil pa niya iyon sa pisngi.

“Never!”  Mabilis pang sagot niya sabay halik nang mariin sa labi nito.

Tinugon naman niya ang halik na iyon ng asawa.  Naramdaman niya ang kamay nitong pumasok sa loob ng long sleeve na suot niya at agad na sumapo iyon sa dibdib niya. Pababa sa puson at sa pagitan ng kanyang hita.

Pero biglang tumunog ang door bell!

“Fuck!”  Agad pang nabitin si Lee!

Malakas namang napatawa si Min sa reaction ng asawa at inayos muli ang nalilis niyang damit.  “I’ll get it,”  Sinuklay rin niya ng kamay ang nagulo niyang buhok at agad na lumabas ng kwarto.  Hindi na rin muna siya nag-abalang magsuot ng pang-ibaba at mahaba naman sa kanya ang suot na long sleeve ng asawa.  Sa tangkad ba naman nito ay mukhang duster nga ang damit nito sa kanya.  Bahagya rin niyang pinagpag ang nalukot na damit bago tuluyang buksan ang pinto.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon