Chapter 12.2.3

25K 503 7
                                    

********

have a nice weekend guys!

#dean

 

********

CHAPTER 12.2.3

Kaya naman makatapos kumain ay nagpasya na rin silang maki-join sa mga nagswi-swimming.

            “Take off the robe…”  Bulong pa ni Lee sa asawa.

            “Dito na lang tayo sa gilid.”  Nahihiya kasi siyang magtanggal ng robe lalo pa nga’t ayaw niyang makumpara sa sobrang gaganda ng katawan ng mga bisita ni Bettina.

            “Are you kidding me?”  Pigil naman ang tawa niya dito.

            “Lee, sa gilid na lang tayo.”  Iiling-iling pa siya dito.        

            “I’ve seen everything, remember?” Pilyo pang sabi niya.  “Kaya wala ka ng itatago, okay?”

            “Heh!”  Inirapan pa niya iyon.

            Pero hindi naman din nagpaawat si Lee at siya pa mismo ang nagtanggal ng robe ng asawa.

            Kaya naman wala ding nagawa si Min kung 'di hayaan na lang din ito kahit na nga kulang na lang ay lumubog siya sa kinakatayuan.

            “I’m proud to be your husband.”  Matamis pang ngumiti si Lee sa asawa habang pasimpleng sinisipat ang katawan nito at inalalayan pa itong bumaba sa pool.

            At siyempre pa, all eyes na naman ang lahat sa kanilang dalawa.

            “Nakakalusaw dito,”  Bulong pa niya sa asawa.

            “That’s how I felt kapag lahat na lang nakikita ako.”  Mapakla pang sabi ni Lee.  “I hope you get what I mean…”

            “Too much expectations.”  Napabuntong-hininga pa siya.

            “That’s why I want a little freedom…”  Mahigpit pa niyang hinawakan sa balakang ang asawa.

            “Your hands, Mister.”  Bulong pa niya dito.

            “We’re husband and wife. What do you expect?”  Nakakaloko pa itong ngumiti sabay kabig palapit sa asawa.

            Nagtawan-tawanan pa siya.  “Sabihin mo, abusado ka…”  Dinilatan pa niya ito.

            “I don’t think so.”  Inilapit pa niya nang husto ang mukha dito.

            “Hey, ano naman gagawin mo?”  Pasimpleng sita niya dito.

            “Just ride along okay?  We need to show off…”  Wala na ngang pasubaling siniil nang halik ang asawa.

            “Take it easy,”  Halos mangalog ang tuhod niya sa mga pagkakataong iyon.  May parte sa puso niyang gustong tugunin ang halik na iyon ng asawa.

            “A little kiss won’t harm…”  Bulong pa ni Lee habang panay ang halik dito.

            “How about Bettina?”  Bahagya pa niya iyong inilayo.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon