Chapter 21

34.8K 637 14
                                    


Please follow me on twitter   @fedejik

Thanks po!

********

CHAPTER 21

Kinabukasan ay pupungas-pungas pang bumangon si Lee.  Wala pa sa loob na napatingin sa desk clock niya.  Halos alas siete pa lang naman noon.  Bahagya pa siyang nag-inat bago balingan ang nahihimbing na asawa.  Wala pa sariling napangiti habang buong pagmamahal niya iyong pinagmamasdan.  Masaya siya dahil siya ang una dito.  Siya lang… Hinawi niya ang buhok nito at wala pa sa loob na napatingin sa singsing nitong nakasabit sa kwintas nito.  Maingat pa niyang tiningnan iyon.

            “P-plastic ring…”  Mataman pa siyang napatitig sa singsing dahil  pamilyar ang hitsura noon sa kanya.  “Don’t tell me,”  Natigilan pa siya at malalim na napaisip.  “Gela..?”  Kunot-noo pa siya.  “Min Angela Cruz...”  Marahang pagbanggit pa niya sa buong pangalan nito.  “Angela? Gela?”  Jalos mamilog ang mga mata niya sa pagkamangha.  “My wife is my childhood wife?”  Hindi siya makapaniwala sa natuklasan!

            Noon na bahagyang nagmulat ng mga mata si Min.  Taka pa siyang napatitig sa asawang noon ay ngiting-ngiti na nakatitig sa kanya.

            “Lee?”  Nagkusot pa siya ng mata para matitigan nang maigi ang asawa.  “B-bakit?”  Taka pa siya.

            “Nothing…”  Marahan pa siyang umiling.  “I am just so happy…”  Malagkit pa niya iyong tinitigan.

            “Me too.”  Kagat-labi pang sagot niya.  Kagabi pa niya mas napatunayan kung gaano niya ito kamahal.  Napasulyap pa siya sa desk clock nito.  “Merry Christmas…”

            “Merry Christmas, honey…”  Kinudlitan pa niya iyon nang halik sa labi.

            “Anong gagawin natin buong maghapon?”  Mahigpit pa siyang yumakap dito.

            “Make love morning ‘til night…”  Nakakalokong sagot niya dito.

            “H-hindi ko yata kaya 'yun…”  Alanganin pa siyang napangiti lalo pa nga’t ramdam pa rin niya ang kirot sa kanyang pagkababae.

            “Hmm, okay…”  Naintindihan rin naman niya iyon.  Kitang-kita rin niya kung gaano ito nasaktan nang magalaw na niya ito.  “What about moving out from your small apartment?”

            “On Christmas day?”  Kunot-noo pa siya.

            “We have no plans for today anyway. Besides, mas gusto kong masolo ka.”

            “Hindi ka ba mag-spend ng Christmas sa mga kamag-anak mo dito?”

            “Ah no…”  Bahagya pa siyang umiling.  “For sure puro si Bettina ang itatanong sa akin nung mga iyon.  None of them knew that I get married.”

            “Ahh…”  Mapakla pa siyang ngumiti.  “Paano nga pala si Bettina?”

            “I’ll tell her. You don’t have to worry a thing.”  Assurance pa niya dito.  “Like I said, I’ll marry you again.”

            “Sure ka na ba talaga?”  Alanganin pa rin siya dito.

            “101% sure…”  Siguradong sagot niya.  “Mrs. Min Angela Ramirez…”  Pinisil pa niya ang baba  nito.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon