Chapter 15.1.2

25.4K 510 8
                                    

********

Pa-like naman po my page sa FB :) Thanks po!

http://www.facebook.com/pages/fedejik-stories/432094690201815

enjoy your holy week vacation with God in our hearts! God bless everyone! :)

#dean

********

CHAPTER 15.1.2

 

            Halos magkumahog si Min sa paggayak papunta sa simple party umano ni Dave.  Kakagaling lang din kasi niya sa isa niyang part time job.  Nahihiya rin naman siyang dumating na pinakahuli at paniguradong pagtututuksuhin siya ng mga bagong kaibigan.

            “Eto na ang mahal na prinsesa!”  Si Carly na yumukod pa sa kanya.

            “Baliw!”  Inirapan pa niya ito.

            “As usual, ikaw pa rin ang pinaka-late diba?”  Binalingan pa nito ang tumpok ng mga kaibigang nagsisimula nang magsipag-inuman.

            “Hi Min…”  Si Dave na umaliwalas ang mukha sa pagkakita sa babae.

            “Hi Dave…”  Tipid naman siyang ngumiti dito sabay abot pa niya dito ang dalang assorted pastries.

            “Nag-abala ka pa.”  Nahihiya naman nitong inabot ang bigay ng babae.

            “Ano bang occasion?”  Usisa pa niya.

            “Wala naman. Darating kasi 'yung old buddy ko today pero sadly nag-cancel out.”  Napakamot pa ito ng ulo.  “Come in, join the gang.”  Nagbigay daan pa ito.

            Tumango lamang siya at nakiupo na rin sa tabi ni Carly na tila marami na rin ang naiinom.  Halos nasa sampu rin sila at ang iba’y lahing kano na marunong na din mga magsipag-tagalog.

            “Sinong bisita 'yung tinutukoy ni Dave?”  Curious pang tanong ni Min sa kaibigan.

            “I don’t know.”  Kibit-balikat pa siya.  “Basta ang sabi niya galing ng Pilipinas pero long time New Yorker na rin.”

            “Ah…”  Kuntento na rin naman siya sa sagot nito.

            At kahit pa hindi naman talaga umiinom si Min ay napilitan siyang makipagsabayan sa mga kaibigan lalo pa nga’t hindi naman siya nilulubayan ng mga ito sa tagay.  Halos makaubos na sila ng sampung malalaking bote ng alak nang may kung sinong nag-doorbell sa pinto.

            “Sino 'yun?”  Nahihilo na si Min.

            “Wait lang ha,”  Si Dave na pumunta na nga muna sa may pinto at binuksan iyon.

“Dave, pare!” 

“Pare!”  Niyakap pa ni Dave ang bagong dating na kaibigan.  “I thought hindi ka darating?”  Taka pa ito.

“Nag-cancel out din naman ang ka-meeting ko so, I decided na dito na tumuloy.  I texted you ah.”  Taka pa ito.

“Wala na, bro. Medyo nakakarami na rin kami.  Pero don’t worry, may pagkain pa namang natitira.”  Tinapik pa niya iyon sa balikat.  “Come in,”

Tumango lang naman ito at sumunod na nga sa kaibigan.

“Guys!”  Tawag atensyon pa ni Dave sa mga kaibigan.  “Friend ko, si Lee!” 

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon