Chapter 17.1.3

26.8K 747 16
                                    

********

Sa 5 bumubuto po maraming salamat hahaha but noh, really, thank you.  at sa mga nagbabasang di bumoboto, okey lang yun hehe kanya-kanya naman tayo... ika nga, wag pilitin ang ayaw hahaha oh well, malapit na ang private chapter... actually, sa sobrang daring nung ilang nababasa ko dito, pwede naman pala siya y public... kaya lang nakakahiya wahahaha kasi baka di pa nga umabot sa expectations nyo ang pagka-daring nun! wahahaha I tried, i did my best... decent pa rin dating nun... wag na mag-fan yung iba para lang mabasa yun at waley lang talaga! hahaha as in!  waley na waley!  palabok ko lang yun para lang exciting compilation ng stories ko.  ang haba na, sorry, basa na! :)

<3 dean :)


********

CHAPTER 17.1.3

 

            May kung ilang araw na ding naging routine ni Lee ang pagpunta-punta sa coffee shop at pati na rin sa ibang sideline ni Min.  At sa mga pagkakataon ding iyon, mas lalong naguguluhan si Min sa ginagawa ng asawa.

            "Tanga ka ba?!"  Si Carly na nagdudumilat pa ang mga mata.  "Hindi pa ba obvious that he likes you?!"

            "Ang hirap paniwalaan nang sinasabi mo, Carly."  Umirap pa siya dito.  "Hindi mo nakita kung gaano kamahal ni Lee si Bettina."

            "So what?!"  Sinimangutan pa niya ito.  "Ang pinag-uusapan natin dito, e 'yung present!  Sa nakikita ko sa ngayon, ikaw na ang gusto niya!"

            "Hindi ako naniniwala sa love, Carly.  Nasa isip lang natin 'yun.  Eventually, 'yung kilig lumilipas din." 

            "Talaga lang ha?"  bahagya pang naningkit ang mga mata nito.  "Kung hindi ka naniniwala sa love, bakit na sa iyo pa rin yang plastic ring n'yo nung kababata mo?"

            "Natutuwa lang ako sa good memory nito.  But hello!  Impossible naman na 'to.  For sure hindi na rin kami magkikita pa.  Ever."

            "Whether you admit it or not, for once naniwala ka rin sa love!  At kaya lang ganyan ka ka-bitter e dahil nung lumayo na 'yang kababata mo na yan, hindi ka na inalala pa.  But then what can you expect from a fifth or sixth grade?"  Umismid pa ito.  "At 'yang feelings mo para kay Lee, itinatago mo lang kasi natatakot kang masaktan!"

            "I'm not in love with him, okay?"  Pagkakaila pa niya.

            "Sinasabi mo lang 'yan!  Pero ang totoo, in love na in love ka na!"  Kinikilig pang tukso nito.  "Alam mo, I can still remember 'yung first time na makita kita dito."  Napaisip pa ito.  "Sobrang lungkot, tulala, umiiyak na mag-isa..." 

            "Naiinip lang ako!"  Depensa rin naman niya.

            Malakas pa itong napatawa.  "Kaya pala habang umiiyak ka napapatingin ka pa sa picture ninyo ng asawa mo!" 

            Hindi naman na nakapagsalita pa si Min sa mga pagkakataong iyon.  Hindi siya mananalo kay Carly lalo pa nga't totoo naman lahat ng sinasabi nito. In love siya kay Lee.  Sobrang in love...

            "Alam mo, girl..."  Namaywang pa ito sa harapan niya at nagpaka-seryoso pa si Carly.  "Hindi mo kailangang sarilinin ang nararamdaman mo."  May panermong himig pa nito.  "I am here to listen,"  Tinapik pa niya iyon sa balikat.  "You can trust me."  At noon na ito tuluyang lumayo at muli munang bumalik sa kaha nito.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon