Chapter 2

43.4K 716 12
                                    

CHAPTER 2

            Kaya naman, nang mga sumunod na araw ay nasundan ang mga pagkikitang iyon nina Min at Lee.  At dahil gusto naman nila ang isa’t-isa, hindi na nga sila nag-aksaya rin ng panahon at naging magkasintahan na rin kaagad.

            “I want you to meet my parents.”  Si Lee.  Kasalukuyan silang nagdi-dinner sa isang five star hotel.

            “Meet your parents?”  Kunot-noo pa ito.

            “Yes…”  Matamis pa ang kanyang pagkakangiti.

            “Don’t you think masyado pang maaga for that?”  Wari lang naman ang sa kanya.  Pakipot effect pa rin.

            “Well, we l-love each other…”  Alanganin yata siyang sabihin ang salitang ‘love’ lalo pa nga’t wala pa siyang nararamdamang ganoon para sa babae pero alam niyang kailangan niyang sabihin iyon para mas mapapayag niya iyon.  “I’m sure… they’ll love you.”

            “Hmmm…”  Kunwa’y napaisip siya.  “When?”

            “Tomorrow…”  Mabilis pang sagot nito.

            “Tomorrow?”  Hindi siya makapaniwalang ganoon kabilis.

            “Yeah, tomorrow.  I’ll fetch you at around seven p.m.?  Is that alright?” 

            “Okay,”  Hindi pa niya naiwasang mapakagat-labi.  Sobrang nag-uumapaw ata ang puso niya sa kaligayahan.

            Kaya naman tulad ng kanilang napag-usapan, kinabukasan ay sinundo nga ni Lee si Min sa tinitirhan nito.  At siyempre pa, pinaghandaan rin nang husto ni Min ang araw na iyon at bumili pa talaga ng magandang dress para lang hindi magmukhang kaawa-awa ang hitsura niya sa harapan ng parents ng instant nobyo niya.

            “Do I look okay?”  Curious pang tanong niya sa nobyo habang binabagtas nila ang daan patungo sa condo unit ng Lola nito.  Kasalukuyan rin kasing nasa condo ang buong pamilya ng nobyo dahil umano sa special dinner na ipinahanda nito.

            “You look perfectly beautiful…”  Kumindat pa ito at mahigpit na hinawakan ang kamay nito.

            Napangiti naman siya sa sinabing iyon ng nobyo.  Sa pakiwari niya’y hook na hook na ito sa kanya.

            Hindi naman din nagtagal ay narating na nila ang unit na tinutukoy nito.  At tulad nang inaasahan, agad na bumungad sa kanila ang pamilya nitong hindi ata niya mawari ang mga reaksyon.

            “Hello guys…”  Si Lee na tinapunan pa nang tingin ang mga magulang.  “This is Min, my girlfriend.”  Hindi na siya nagpa-tumpik tumpik pa.

            At tulad nang inaasahan ni Lee ay agad niyang nakita ang hindi maipintang mga mukha nito.  Bagay na tila mas nagustuhan niya.

            “I would like you to meet Min…”  Pakilala pa niya sa girlfriend na hindi man lang niya alam ang apelyido.

            “What are your games, Lee John?”  Kunot-noo pang tanong ng kanyang ina, si Donya Josefina.  At ni hindi man lang binigyan nang pagkakataon ang nobya umano nito na bumati rin sa kanila.

            “Games?”  Sarkastiko pa siyang ngumiti.  “What do you mean, Mama?”  Wari ay hindi pa niya alam.          

            Hindi naman na nagawang makapagsalita ulit ng Donya lalo pa nga’t biglan ring sumingit ang Lola Patria.

            “Super ganda naman ng girlfriend mo, hijo.”  Ngiting-ngiti pa nitong sinalubong nang halik ang nahihiya namang si Min.  “Bagay na bagay kayo ng aking apo.”  Pinisil pa nito ang pisngi ng babae.

            “Thank you po.”  Matamis namang ngumiti si Min.

            “She’s the most incredible, grandma.  In the entire world.”  Proud pang pakilala ni Lee dito.

            “Dapat lang!”  Nagmamalaki naman ding sagot nito.

            “Saan mo nakuha ang babae mo, Lee?”  Ang kanyang ama, si Don Graciano na nakakunot-noo rin.

            “Nakuha?”  Sarkastiko pa siyang ngumiti.  “Is this your way of welcoming my girl? I love Min…”  Diretsa pa niyang tinitigan ang mukha ng ama na nagpupuyos sa galit.

            “Really?”  Hindi ito kuntento sa sagot ng anak.  “Gaano ka pa lang ba katagal dito?  More than a week?  And now, you’re saying na inlove ka d'yan sa babaeng 'yan?  Baka nga ni surname niyan hindi mo alam!”

            Panandaling natigilan si Lee sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t hindi naman talaga niya alam ang buong pangalan ng nobya.

            “Nothing is impossible when you found the one, is that right Lola Patria?”  Hingi pa niya nang saklolo sa kanyang pinakamamahal na Lola.

            “Abah, oo naman!  Kahit pa minuto lang puwedeng magka-inlaban!”

            “See?”  Sarkastiko pa siyang ngumiti sa mga magulang.

            “I think it’s time to just go home!”  Ang kanyang ina na talaga namang hindi nag-alangang ipakita ang pagkadisgusto sa nangyayari.

            “I agree, hon.”  Ang kanyang ama na agad din namang sumunod sa asawa na lumabas agad ng pinto.  “This is a complete waste of time!”  Iiling-iling pa ito sa anak.

            “What are you doing?”  Kumunot pa si Lee sa mga magulang na sinundan lang niya nang tingin habang papalabas na ng pintuan.

            “You’ll never gonna fool us, Lee John.”  Matigas pang sabi ng kanyang ama.

            “Yeah…”  Tumangu-tango pa siya.  “Who’s fooling around?”  Sarkastiko pa siyang ngumiti.  “I am going to marry Min!  Whether you like it or not!”  Matigas din namang sagot niya dito.

            “We’re not buying your games, son.”  Sarkastiko pang ngumiti ang kanyang ama sabay tuluyan nang tumalikod sa kanila.

            Pigil naman ang galit ni Lee sa mga pagkakataong iyon.  Hindi siya makapaniwalang ipipilit pa rin nito ang mga gusto nito sa kabila ng mga ginagawa niya para ma-disappoint ito sa kanya.

            “I am so sorry about that,”  Hingi naman din nang paumanhin ni Lee sa nobya.

            “It’s okay…”  Hindi niya maiwasang maapektuhan sa pangit na pakitungo ng mga magulang ng nobyo sa kanya.  Sa pakiwari niya’y hadlang pa iyon para matupad ang mga pangarap niya.

            “Pasensya ka na, hija. Mababait naman 'yun.  Mainit lang siguro ang ulo.”  Si Lola Patria.

            “Lola, stop defending them.”  Iiling-iling pa siya sa matanda.

            “Hijo,”  Awang-awa naman siya sa apo.  Alam naman din kasi niya ang pinagsisintimiento nito.  At wala lang din siyang magawa lalo pa nga’t hindi naman pinapakinggan ang boses niya sa pamilya.

            “I’m really sorry, Min.”  Si Lee na mataman pang tinitigan ang tila malungkot na babae.

            “I-it’s okay, we can’t please everybody.”  Napakagat-labi pa siya.  “Tama naman din kasi sila. Masyado tayong nagmadali.”

            “Don’t say that…”  Iiling-iling pa niyang nilapitan agad ang nobya at pinisil ang pisngi nito.  “No one can stop me from loving you.”  Gusto niyang masamid sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t hindi naman niya meant ang sinasabi.

            Ngumiti lang siya sa sinabing iyon ng nobyo.  Alam niyang masyado pang maaga para sumuko.  At handa siyang pangalagaan ang pagkakataong iyon na makasama si Lee sa katuparan ng mga pangarap niya.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon