Chapter 1

118K 1.1K 35
                                    

CHAPTER 1

May kung ilang beses nang paikut-ikot si Min sa harap ng salamin.  Papaano kasi’y may ipapakilala daw ang kaibigan niyang si Lucy na Amerikano na maaaring makapagdala sa kanya sa America kung sakaling magustuhan siya nito at pakasalan.  Pangarap kasi niyang makarating sa ibang bansa upang mabigyan nang magandang buhay ang kanyang pamilya.  Hindi naman sila naghihikahos pero gustung-gusto niyang mas gumanda pa ang buhay nila.  Hindi naman siya naniniwala sa “love” kaya balewala sa kanya kung hindi man niya mahal ang possible niyang pakasalan.  Ang importante sa kanya ay matutulungan siya nitong makarating sa America.

            “Hoy Min! Bakit ba napakatagal mo?!” Si Lucy na nasa kabilang linya.  Tila inip na inip na ito sa paghihintay sa kanya sa meeting place nila.

            "Wait lang! papunta na ako d'yan!" Nagmamadali na talaga siya dahil nalibang siya sa oras.

            “Abah! dalian mo at baka magbago ang isip nitong kano na ‘to 'no!” Nagmamaktol pa nitong ibinaba ang telepono.

            Kaya naman mas nataranta siya sa pagbaba ng telepono ng kaibigan.  Masyado pa namang maikli ang pasensya nito lalo na sa antayan.

            Kaya naman paglabas na paglabas niya ng bahay ay pumara agad siya ng taxi at nagpahatid sa Baywalk.  Pero sadya yatang mapagbiro ang tadhana dahil kung kailan malapit na sila sa lugar na pagtatagpuan ay tsaka pa nasiraan ang taxi na sinasakyan niya!  Kaya naman napilitan na siyang maglakad na lamang dahil wala na siyang makitang bakanteng taxi sa mga pagkakataong iyon.  Naka Stiletto pa naman siya at talaga namang malayu-layo pa rin ang meeting place nila.

            Pero hindi pa man siya nagtatagal sa paglalakad ay may bigla na lang siyang nasalubong na nagmamadaling lalaki na malakas pa siyang nadunggol na naging dahilan para mawalan siya ng balanse at matumba!

            “Aray ko!”  Naghihimas pa siya nang nasaktan na paa.  Hindi naging maganda ang pagbagsak niya.

            “I am really sorry!”  Alala pa ang lalaking inalalayan siyang makatayo.

            “Bakit kasi 'di ka nag-iingat!”  Galit pa niyang sabi sabay tingin dito.  At ganoon na lang din ang gulat niya nang ang bumulaga sa kanya ay ang pagka gwapu-gwapong mukha nito.

            “I am really sorry.  Are you hurt?”  Buong pag-aalala pa nitong tanong.

            “I’m alright…”  Mataman pa niyang tiningnan ito.  Sa pakiwari niya’y ‘Amboy’ ito.

            “I am really sorry.”  Hindi pa rin ito matigil sa paghingi nang paumanhin.  Lalo na nga nang makita niyang nadumihan ang damit nito.  “I think I need to buy you new clothes, nadumihan ka na,”  May pagka-slang pa ang pagsasalita nito.

            Agad naman niyang tiningnan ang nadumihan niyang damit.  Ganoon na lang ang panlulumo niya dahil may date pa naman siya.

            “Malas naman!  Hay…”  Wala pa sa sariling napaupo na lang sa tabi at pinagpag ang nadumihang parte ng kanyang pantalon at blouse.  “Napurnada pang date ko!”  Gusto yata niyang maiyak sa inis.

            “What did you say?  I am not really that good in tagalog.”  Kunot-noo pa nitong tinitigan sa mukha ang babae.

            “I said I have a date and I look like shit.”  Hindi pa niya naiwasan ang mapabuntong-hininga.  Bihira lang ang gan'ung pagkakataon tapos ay minalas pa.

            “Oh, I am really sorry.”  Hiyang-hiya pa rin ito.

            “It’s okay, I will try my luck next time.”  Mapait pa siyang ngumiti rito.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon