Chapter 5

29.1K 547 11
                                    

CHAPTER 5

            Matapos ang ilang araw na pamamalagi sa hotel ay tsaka nagpasya si Lee na bumalik na ulit sa bahay nila.  At tulad nang inaasahan niya, hindi naging maganda ang pagsalubong ng kanyang mga magulang sa kanya.

            “You still have the face to come back here?”  Nanggagalaiti sa galit ang kanyang ama.  Kuyom ang mga palad nito na tila handang manakit.  Pumagitan naman ang kanyang ina na nahintatakutan rin naman sa reaksyon ng kanyang Papa.

            “Why?”  Matalim pa niyang tinitigan ang ama.  “Are you gonna kick me out here for good?” 

            “You’re going back in New York!”  Gigil na gigil ito.

            “I am not going anywhere without my wife.”  Inakbayan pa niya ang tila namumutlang asawa.

            “Nababaliw ka na talaga Lee John!”  Nagpupuyos ito sa galit.

            “I can always move out if that is what you want.”  Hamon pa niya dito.

            “No son…”  Ang kanyang ina na nagkakandaiyak rin naman sa takot at pag-aalala.  “Just stay here,”  Sumamo pa nito.  “Play your games if that is what you want, just don’t leave me…”

            “Who’s playing games, mama?”  Kunot-noo pa niyang tinitigan ang ina.  “I love Min…”

            “Anong klase ng babae ang magpapakasal sa’yo after ilang weeks lang nang pagkakakilala ninyo?”  Sarkastiko pa itong tumingin sa tahimik lang na si Min.  “I would rather believe that she’s a gold digger.”

            “Stop right there!”  Galit pang sagot naman ni Lee sa ama.  “She’s my wife!”

            “Tell me, how much did he pay you and I’ll triple it if you want?  Just stay out of my son’s life!”  Galit na baling pa nito kay Min.

            “Po?”  Agad namang napaangat nang tingin si Min.  Pigil na pigil ang damdamin niya.  At kahit pa may katotohanan ang paratang nito, wala naman siyang intensyong masama sa asawa.  “I love him.”  Iyon na lang ang naisagot niya.

            “Kalokohan!”  Galit pa rin ito.

            “Sige na, anak. Sa kwarto na lang muna kayo. Tama na muna ‘to please.”  Sumamo pa sa kanya nang nagkakandaiyak na ina.

            Tumango na lang siya dito bilang sagot at  mahigpit na hinawakan sa kamay ang asawa patungo sa kanyang kwarto.  At tulad nga nang inaasahan niya, hindi pa rin talaga siya papawalan ng mga magulang.  Gayon pa man, alam niyang unti-unti na niyang magagawa ang kanyang mga gusto sa tulong ni Min.

            Nang makapasok sila sa kwarto ay parehas lang silang tahimik at tila walang ibig magsalita.

            “I’m sorry about that,”  Si Lee na noon na lang din nakuhang magsalita. 

            “I hope you don’t mind,”  Lakas loob pang salita ni Min.  “Gan'un ba talaga sila ka-protective sa’yo?  Gan'un ka-possesive?”  Taka pa siya.

            “Pansin mo ba?”  Mapakla pa siyang napangiti.

            “Yes.”  Bahagya pa siyang tumango at matamang tinitigan ang asawa sa mukha.

            “They’ve been controlling me, all my life…”  Mapait pang sabi niya sabay inihiga ang katawan sa malambot na bed nila.

            Dumapa naman si Min para titigang maigi ang asawa.  Baka sakaling sa ganoong pag-uusap ay may matuklasan siya sa pagkatao nito.

            “Ano pa bang mahihiling mo?” Napabuntong-hininga pa siya.  “Na sa’yo naman na lahat diba?”

            “Ewan ko ba,”  Mapakla pa itong napangiti. “I just want a little freedom.”  Dinungaw niya ito at matamang tinitigan.  Pagkunwa’y bahagyang natigilan nang mapagmasdan ang maamo at makinis nitong mukha.  Sa tantiya niya’y hindi naman ito nahuhuli nang ganda kay Bettina. 

            “Bakit?  Ano pa bang gusto mong gawin sa buhay mo?”

            “Hmm…”  Malalim pa itong napaisip.  “I don’t want to manage our company anymore.”

            “Ha?  Nag-iisang anak ka lang naman, natural talagang ikaw ang aasahan ng parents mo.”  Pagpapaliwanag pa niya dito.

            “I am aware of that.” Matabang pang sagot niya.  “Ang hiling ko lang naman, suportahan nila ako sa mga gusto ko.”  Hirap pang pagpapaliwanag niya.

            “'Yan ba ang reason kung bakit pinakasalan mo ako?”  Diretso pa niyang tanong.  “Dahil kapag pinakasalan mo ako, magagalit sa’yo ang parents mo at hindi nila ipipilit ang mga gusto nila para sa’yo?”

            “Ha?”  Agad namang natamik si Lee.  Sukol na sukol siya nito.  Hindi siya makapaniwalang ganoon ito kagaling magbasa ng isip.

            “H-hindi naman sa ganoon,”  Pagde-deny pa niya.  “I love you.”  Pilit pang pagsasabi niya kahit pa hindi naman ganoon ang nararamdaman niya.  “At kung pinakasalan man kita, it’s one freedom na gusto kong ibigay nila sa akin at hindi sila ang masusunod sa gusto kong mahalin.”

            “Pero mahal mo si Bettina diba?”  Mabilis ang utak niya.  Alam at nararamdaman niya, pinakasalan siya ng lalaki hindi dahil sa mahal siya nito. Alam niyang iyon ang rason kaya gusto nitong makalaya sa mga magulang nito.  Gayon pa man, wala na lang din siyang pakialam kahit hindi man siya mahal nito. Ang importante sa kanya, madala siya nito sa America.

            “Can we not talk about her?”  Pakiusap pa niya.  Pakiwari niya’y ina-analyzed siya ng asawa.

            “Okay…”  Hindi na rin naman siya namilit.  Basta’t ang alam niya, siya pa rin ang pinakasalan.

            “Pagpasensyahan mo na lang ang parents ko, okay?”  Hinaplos pa niya ang pisngi nito.

            “As long as hindi mo ako bibitawan, hindi ako bibitiw sa’yo…”  Mapait pa siyang ngumiti sa asawa. 

            “Yes.”  Bahagya pa siyang tumango at tumalikod muna siya upang ipikit ang mga mata.  Alam niyang hindi magiging madali ang mga plano niya.  Gusto man niyang sabihin ang totoo kay Min, natatakot siyang baka bigla itong magdesisyong iwanan siya.  At masasayang lang lahat ng mga pinagpaguran niya.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon