Chapter 12.1.3

25.3K 539 9
                                    

********

happy naman po ako at marami-rami na din ang reads nito. akala ko wala hehe oh well, thanks po dun sa iilan na sumusuporta! God bless u po!

dean

********

CHAPTER 12.1.3

            At dumating na nga ang araw ng linggo, ang kaarawan ni Bettina.  At dahil sa resort ang punta nila, kuntodo baon din sila nang pang swimming.

            “Nandito na pala ang parents mo.”  Bulong pa ni Min sa asawa na noo’y gwapung-gwapo sa suot nitong board shorts at J-crew na t-shirt.

            “They left early.”  Bulong na sagot din naman nito.  “Sobrang close ang family namin sa family ni Bettina.”

            “Sabi mo nga.”  Hindi niya mapigil ang selos.

            Hindi naman alintana iyon ni Lee at kinawayan pa si Bettina na papalapit nga sa kanila. 

            Hindi naman maiwasang manliit ni Min sa magandang tanawin na iyon kay Bettina.  Halos kasi maseselang parte na lang ng katawan nito ang natatakpan sa suot nitong red string bikini. Wala pa sa loob na pasimpleng tumitig sa asawa na titig na titig naman nga din sa ex nito!

            “Happy Birthday, Bettina!”  Hinalikan pa iyon ni Lee sa pisngi. 

            “Thanks, Lee.”  Matamis ang pagkakangiti nito.

            “Happy Birthday, Bettina.”  Bati rin naman ni Min at plastikang hinalikan din wari iyon sa pisngi.

            “Thank you.”  Tipid lang na ngumiti iyon at muli ay ibinalik ang atensyon sa lalaki.

            “For you,”  Iniabot pa niya dito ang mamahaling wine.

            “My favorite,”  Masaya pa nitong kinuha ang wine.  “You always knew how to spoil me.”  Pagpapa-cute pa nito.

            Ibig-ibig namang manabunot ni Min sa mga pagkakataong iyon.  Sobrang obvious naman din kasing inaakit nito ang asawa niya.

            “May reserved suite ako for every guest.”  si Bettina.  “Your suite was right next to mine.”  Makahulugan pa nitong sabi kay Lee.

            “Thank you.”  Tipid namang ngumiti si Lee dito.

            “Punta lang kayo sa concierge at ibibigay nila ang key ninyo.”  Sabi pa nito.  “Change na kayo, I’ll wait for you here.”  Noon na ito tumalikod at talaga namang ikinampay nang husto ang balakang.  Halos makita na rin ang kuyukot nito sa suot na bikini.

            “Ang mata mo, Mister.”  Puna pa niya kay Lee na huling-huli niyang nakatingin sa magandang tanawin na iyon kay Bettina.

            “Selos ka naman!”  Natatawa pang sabi nito sabay akbay sa asawa.

            “Feeling mo!”  Umirap pa siya dito.

            “Curious lang ako why sobrang sarap pagmasdan ng body ng girls kaysa sa boys.”  Wari ay paliwanag pa nito.

            “Kung bading ka, mas maa-appreciate mo ang body ng boys!”  Iirap-irap pa siya dito.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon