Chapter 10.1.2

26.6K 540 8
                                    

********

God bless you guys! please do vote para mas ganahan pa akong ituloy ang story na 'to. thanks po!

Fedejik

********

CHAPTER 10.1.2

 

          Unti-unti ay nararamdaman na ni Lee ang pagluluwag ng mga magulang sa kanya.  Sa pakiwari din niya ay hindi na rin ito masyadong nagtatatanong pa sa mga pinaggagawa niya bagay na pumapabor nang husto sa kanya.

            “Kamusta na nga pala kayo ni mama at papa?”  Curious pang tanong ni Lee sa asawa.  Kasalukuyan silang nasa bar noon at tumatambay.

            “Mukhang tahimik sila ngayon,”  Napaisip pa si Min.  “Lalo na ang Mama mo, medyo nakakapanibago, as in sobrang tahimik.”  Kibit-balikat pa siya.

            “I hope naman for good na ‘to.”  Napabuntong-hininga pa siya.    “Baka kasi alam mo na,” 

            “Medyo nakakapagtaka nga e. Biglaan kasi diba?”  Hindi pa rin siya kumbinsido na tanggap na nito ang lahat tungkol sa kanila.

            “I know.  We still need to be cautious…”  Ininom pa nito ang ibinigay na alak ni Bum sa kanila.  “You want some?”  Alok pa niya dito.

            “No.”  Bahagya pa siyang umiling. 

            “Hello there!”  May kung sino pang bumati sa kanila.  Si Bettina at Trevor!

            Taka namang nagkatinginan ang dalawa lalo pa nga’t hindi nila inaasahang makikita iyon doon.

            “W-what are you doing here?”  Sorpresa pang tanong ni Lee sa dalawa.

            “Your Mom actually told us to check you out and see what you are up to.”  Si Trevor na hindi na rin naman nagsinungaling pa.

            “You and Bum did a great job here huh?”  Si Bettina na iginala pa ang mga mata sa paligid.

            “Thanks.”  Tipid naman itong ngumiti.  Wala pa sa loob na napatitig kay Bettina lalo pa nga’t ang ganda-ganda nito sa suot nitong black dress.

            “Hello Min.”  Si Trevor na hindi na rin naman nahiyang batiin ang tahimik na babae.

            “H-hi…”  Alanganin pang ganting bati ni Min dito.

            “You’re looking great!”  Halos mapilas ang labi nito sa pagkakangiti.

            “T-thanks…”  Hindi naman naiwasang ma-concious ni Min sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t ang gwapo rin naman ni Trevor.

Agad namang napansin ni Lee ang kakaibang ngiti na iyon ng pinsan kaya’t pasimple niyang inakbayan ang asawa.

            “Nag-investigate ba kayo?  'Yun ba ang utos ni Mama?”  Pinaghalinhinan pa niya nang tingin ang dalawa.

            “Well, you can put it that way…”  Si Trevor pa rin.  “Pero I think naman there isn’t anything bad to say. Mukha namang click ‘tong bar ninyo ni Bum.”

            “Passion mo pa rin talaga ang ganitong business 'no?”  Si Bettina na malagkit pang tinitigan si Lee.  “Kumakanta ka rin ba dito?”

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon