Chapter 14.1.2

26.8K 538 11
                                    

********

Pa-like naman po my page sa FB :) Thanks po!

Fedejik's Stories
http://www.facebook.com/pages/fedejik-stories/432094690201815

thanks po for your continued support sa story na ito! God bless po!

#dean

********

CHAPTER 14.1.2

 

            Mabilis na lumipas ang panahon at kahit papaano’y mas naging maayos naman na ang takbo ng buhay ni Lee lalo pa nga’t hinahayaan na siya ng mga magulang sa mga gusto niyang gawin sa buhay niya.  Hindi na rin muna siya nito pinilit na bumalik sa America para mag-manage ng mga negosyo nila doon.  Gayon pa man, tinutulungan pa rin naman niya ang kanyang papa sa pagma-manage ng ilang negosyo nilang nasa Pilipinas.

            At tulad nang nakagawian, gabi-gabi siyang nasa bar kasama si Bettina.

            “Every night, mas dumarami ang customers natin a!”  Masayang sabi pa ni Lee sa kaibigang si Bum na hindi na rin magkandaugaga sa dami ng mga tao.

            “Sinabi mo pa!”  Masayang-masaya rin naman ito.  “Jam packed na naman tayo!”

            “Congratulations sa inyong dalawa…”  Singit pa ni Bettina sa kanila.

            “Thanks, Bettina.”  Si Bum.  “Lee and I wanted this business so bad. So, kita mo naman, basta may passion diba magclick talaga?”

            “I agree,”  Tumangu-tango pa ito at niyakap pa si Lee sa baywang.

            “Ayan na naman kayo sa sweet-sweetan ninyong 'yan!”  Iiling-iling pa ito sa dalawa.

            “Nasaan ba kasi si Eunice?”  Si Lee na ang tinutukoy ay ang bago nitong idine-date.

            “She’s on vacation with her family.”  Sagot din naman nito.  “But, she’ll be here next week kaya hindi na ako maiinggit sa inyo.”  Maluwag pa itong napangiti.  “Well, anyway, iwan ko muna kayo, okay?”  Paalam pa niya dito.  “Bettina, bro!”  Sumenyas pa ito bago tuluyang lumayo muna sa kinakaupuan ng dalawa.

            At nang makaalis na nga si Bum ay tsaka muling nagsalita si Bettina.

            “When are you planning to annull your marriage with Min?”  Seryoso pang tanong nito.

            “Huh?”  Agad siyang natigilan sa tanong na iyon ng nobya.  Tila hindi niya inaasahan iyon lalo pa nga’t pilit na niyang iniaalis sa sistema niya si Min.

            “Soon…”  Iyon na lamang ang tanging naisagot niya.

            “Sana kasi inayos mo muna 'yun even before she left for the States.”  Iiling-iling pa ito.

            “'Wag mo na muna isipin yun...”  Iwas pa niya.

            “Aren’t you planning to marry me?”  May paghihinampo pang sabi naman nito.

            “I do…”  Tila hindi niya masiguro ang sagot.  “Medyo busy lang din ako lately kaya hindi ko pa naiisip.”  Palusot pa niya.

            “I really hope maayos mo na 'yan sooner.”  Napabuntong-hininga pa ito.

            “I will…”  Napatango lang siya sa sinabing iyon ng nobya.  Mukhang  tama nang hinala si Bum sa kanya, in love na siya kay Min.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon