Chapter 9.1.2

29K 582 4
                                    

********

Hello sa readers nito, sorry po if mejo natagalan ng bahagya... thanks pa rin po sa paghihintay! God bless everyone! 

#fedejik

********

CHAPTER 9.1.2

            May kung ilang araw na ring sumasama si Min sa asawa sa pagpunta sa bagong bar na itinayo nito.  Part kasi iyon nang usapan nilang sa lahat ng oras ay magtutulungan sila.  Kaya naman ilang araw na ding napupuyat si Min lalo pa nga’t panggabi naman talaga ang negosyong iyon.  Kaya naman isang umaga nang magising siya ay nagtataka siyang wala na sa bed ang asawa.  Nagpasya siyang lumabas na sa kwarto pero ganoon na lang ang gulat niya ng mukha ng kanyang biyenang babae ang sumalubong sa kanya.

            “Ang galing naman 'no?  Gising senyorita ka na yata?”  Sarkastiko pang sabi ni Donya Josefina.

            “Pasensya na po, napupuyat po kasi kami ni Lee sa trabaho.”  Bahagya pa siyang yumuko.  Iyon din naman ang plano nilang mag-asawa, sa kanya manggaling ang impormasyon.

            “Anong trabaho ang pinagsasasabi mo?”  Kunot-noo pa ito.

            “May itinayo po kasing bar si Lee, thirty minutes away from here.  Maganda po siya. Try n'yo po pumunta.”  Masayang pagbabalita pa niya.

            “Nababaliw ka na ba?  Kung anu-ano ang pinagsasasabi mo?”  Irritable pang sabi nito.

            “H-hindi po.”  Yumuko ulit siya. 

            “Mam Min... Senyora… ”  Ang katulong na alanganin pang abalahin kami sa pag-uusap.  “Excuse lang po, pinapatawag po kayo mam Min ni Senyorito Lee. Nasa pool po siya."

            “Sige, puntahan ko na siya.”  Tumango pa siya at tipid na ngumiti.  “Excuse lang po, mama…”  Alanganin mang tawagin niya itong ‘mama’ ay itinuloy na rin niya at mabilis na ring tumalikod.

            Nagmamadali pa siyang pumunta sa pool area lalo pa nga’t naramdaman niyang nakasunod sa kanya ang Donya.

            “Honey!”  Wari ay tawag pa niya noon sa asawa na panay ang langoy sa pool.

            “Hey,”  Matamis pa siyang ngumiti sa asawa lalo pa nga’t agad niyang namataan ang ina na nakasunod.  Umahon pa siya sa tubig at sinalubong nang mariing halik ang asawa sa labi nito.

            Hindi naman agad na nakahuma si Min sa ginawang iyon ng asawa at palihim na dinilatan pa iyon. 

            Hindi naman pinansin ni Lee ang reaksyong iyon ng asawa at sa halip ay hinapit pa nga niya iyon sa baywang.    

            Si Min naman ay halos pamulahan nang husto sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t naka-trunks lang ang asawa at pilit pang dumidikit nang husto sa kanya!  Talaga namang 'di maipagkakaila ang kalabog ng kanyang dibdib!

            “Lee!”  Seryoso pang tawag ng Donya sa anak.

            “Good morning, mama!”  Masaya naman ding bati ni Lee sa ina.

            “Anong sinasabi ng asawa mo na negosyo mo daw?  Anong kalokohan ang pinapasok mo na naman?!”  Galit pang sita nito.

            “It’s not kalokohan, mama…”  Ramdam niya agad ang pagkadisgusto nito hindi pa man.  “Me and Bum was earning from it.” 

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon