Chapter 15.2.2

26.9K 550 12
                                    

********

Nasa mood ako mag-UD so, eto na! enjoy guys! as expected bitin 'to pero for sure u'll crave for more Chos! hahaha God bless! :)

#dean

 

********

CHAPTER 15.2.2

Mahaba-haba rin silang nakapag-kuwentuhan bago pa man makabalik sa umpukan.  Kaya naman halos lasing na ang lahat sa dami na rin nang mga nainom.

“Ang daya mo, Dave…”  Hilung-hilo pang sabi ni Biggs na isa sa mga barkada nito.

Malakas pa itong napatawa.  “Just as long as you’re enjoying, okay lang na hindi ako malasing!”

“Dave!”  Si Carly na agad pang sumenyas.

“What?”  Taka pa ito.

“Lasing na ‘to!”  Itinuro pa nito ang tila nga natutulog na si Min.

“I’ll take her on the guest room.”  Volunteer naman din ni Dave.

“No!”  Mabilis na tanggi naman ni Lee.

“Huh?”  Taka naman si Dave na napatingin pa dito. 

“I-I mean…”  Agad siyang nangapa nang isasagot.  “On the way rin naman yung pad niya. Ihahatid ko na lang.” 

“Are you sure?”  Kunot-noo pa rin si Dave.

“Oo sure siya!”  Si Carly na pasikreto pang kinindatan si Lee.  “Nung medyo sober pa siya sinabi niya sa akin na makikisabay na lang siya kay Lee pauwi! Ayun!”

“Oh…”  Napatango rin naman si Dave.  “Okay then, ikaw na ang bahala, pare.”  Tinapik pa nito sa balikat ang kaibigan.  “Uminom muna tayo nang kaunti bago ka umuwi. Okay ba?”

“Sure…”  Alanganin namang napangiti si Lee kay Carly.  Hindi kasi niya sigurado kung may alam ito sa kalagayan nila ni Min.

Kaya naman kahit tila wala pa sa kundisyon ang katawan ni Lee uminom ay napilitan na rin siyang pagbigyan ito.  Alam naman din kasi niyang hindi siya lulubayan nito.

Halos naka-isang bote rin sila ng Vodka bago magdesisyong magpaalam si Lee na uuwi na.  Sa pakiwari niya’y hindi rin niya kakayaning umuwi kapag 'di rin siya lumubay.

“Ingatan mo ang wife mo ha.”  Bulong pa sa kanya ni Carly habang nagdudumilat rin ang mga mata nito.

“I will…”  Tumango pa siya.  “Thank you.”  Tipid pa siyang ngumiti at agad na pinangko ang natutulog na asawa.

“Need a hand?”  Si Dave.

“No, I got this.”  Bahagya pa siyang umiling.  “Thanks for this small party.”  Tipid pa siyang ngumiti dito.

“Don’t mention it, pare!”  Tinapik pa niya iyon sa balikat at inihatid hanggang sa dalang sasakyan nito.

Sa unahang upuan niya isinakay ang asawa at agad na ikinabit ang seat belt nito.

“Take care of Min, okay?”  Paalala pa ni Dave.  “Mamahalin ko pa 'yan.” 

“Ah…”  Hindi naman na naka-react pa si Lee sa mga pagkakataong iyon.  Mali talagang hindi niya sinabi ang totoo dito.  “S-sure…”  Alanganin pa siyang tumango at kunwa’y pumunta na rin sa driver’s seat.  “Thanks again, pare!”  Tinanguan pa niya ang kaibigan.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon