Chapter 18.1.2

26.4K 556 8
                                    


so far, etong love contract ang pinaka-fave ko sa sinulat ko. hehe medyo naughty kasi at first time ko nagpaka-naughty so... wala lang haha maybe waley lang sa iba, so far achievement na sa akin 'to hahaha and i never imagined na magagawa ko yung mas naughty na KimXi! hahaha now, ready na ako. nakundisyon ko na utak ko for them. so, kung may KimXi man dito, wait nyo lang po yun entitled "Married to you".  Pero matagal pa yun, need ko muna matapos posting ng No Ordinary Love.  Pasensya na, waley lang na A/N hahaha God bless po!



********

CHAPTER 18.1.2

 

            Dumating na nga ang araw ng Sabado, ang araw ng Christmas Party na gaganapin kina Dave.  Tamang malalapit na kaibigan lang din naman ang invited kaya't nagpasya na ring pumunta sina Min at Carly.

            "Merry Christmas!"  Bungad pa ni Dave sa dalawa.

            "Merry Christmas!"  Matatamis na ngiti rin naman ang salubong nila dito sabay abot ng champaigne.

            "Thank you!  'Di na sana kayo nag-abala pa."  Nahihiya pang sabi niya.  "Come in!" 

            At pumasok na nga sila sa munting tahanan ni Dave.  Halos makumpleto na rin pala ang mga tropa nito.  Kaya naman sa kusina na rin muna sila nagtuloy para kumain.

            "No holds barred tayo ngayon ha!"  Ngiting-ngiti pa si Dave.  "Let's just enjoy the night."

            "Sure!"  Si Carly na game na game naman at siniko lang ang tahimik na si Min.  "Ah Dave,"  Sinenyasan pa nito ang lalaki.  "Invited din ba si Lee?"

            "Yup!"  Mabilis din namang sagot nito.

            "Don't tell me crush mo?"  Nakakaloko pang tanong nito.

            "Gwapo kaya!"  Makahulugan pa itong tumingin sa nagdudumilat namang si Min.  "Masaya 'to!"  Hindi pa man ay excited na siya.

            "Sorry to say, Carly pero he's taken.  He's has a girlfriend and he's married." 

            "Two in one?"  Nagkunwari pa siyang walang alam.  "Ouch!"  Kinurot siya ni Min sa tagiliran.

            "Why?"  Taka pa si Dave.

            "M-may kumagat na langgam!"  Palusot pa niya at pasimpleng inirapan ang tahimik na kaibigan.  "May wife at may girlfriend talaga?"

            "It's a long story."   Umiling pa si Dave.  "Pero as far as I know he loves the girlfriend, not the wife."

            Tila sinaksak naman ng punyal si Min sa dibdib sa mga pagkakataong iyon.  Kahit pala si Dave, alam na si Bettina ang mahal.

            "What about the wife?"  Kunot-noo pa si Carly.

            "It was just a love contract,"  kinindatan pa niya iyon.  "He marry the girl para lang inisin ang parents n'ya! Weirdo 'no?"  Malakas pa itong napatawa. 

            "Ganun?"  Siya ata ang nasasaktan para sa kaibigan.  "Don't you think unfair naman kay wife 'yun?"

            "The wife agreed.  No strings attached just plain contract." 

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon