Chapter 11.2.2

26.9K 532 13
                                    

********

my dear readers, gusto ko lang po sana sabihin na itong LOVE CONTRACT eh magkakaroon po ng special chapter.  Meaning, it won't be visible sa public... sorry po.  Pero yung followers ko po eh mababasa yun.  Matagal pa naman yun... I just thought na hindi nararapat sa very young readers so, i suggest sa mga young readers ko na wag na lang basahin at hindi naman din kayo mawawala sa story kung hindi nyo mabasa yung chapter na yun.  Kailangan ko lang din y publish yun kasi may mga mature readers din naman ako dito and apart from that, part yun ng story ko na ayaw kong tanggalin. :)  anyways, matagal pa yun.  Pinapaalala ko lang po ng maaga. 

have a nice weekend guys!

dean

********

CHAPTER 11.2.2

At tulad na ulit ng mga nakakaraan ay palagian na namang magkasama sina Lee at Min sa pagpunta sa bar.  Palagian din nilang bisita sina Bettina at Trevor na bihira man lang pumalya.  Sa mga pagkakataong ding iyon ay nagbibigay na lang si Min alang-alang kay Lee.  At kahit hindi maganda sa pakiramdam niya, tinitiis na lamang niya ang lahat.  Kasama nang pagtitiis niya ay ang pakikisama kay Trevor na talaga namang panay ang tsansing sa kanya.

            “It’s Bettina’s birthday this weekend. Excited ka na ba?”  Si Trevor na kulang na lang ay kandungin siya sa sobrang pagdikit nito.

            Sa halip na sumagot ay isang sarkastikong ngiti lang ang pinawalan niya. 

            “I think we could spend some quality time together there. We have all the space we need.”  Pilyo pa nitong hinawakan ang legs ni Min na agad naman ding umiwas.

            “Hindi ka man lang ba nahihiya kay Lee?  Tinatalo mo ang asawa niya?”  Kunot-noo pa niya itong tinitigan ng diretso sa mata.

            “Why would I?”  Nagkibit-balikat pa ito.  “What you have for each other is all fake.  Maybe nga legal ang marriage ninyo but still, the rest is fake.  You’re just trying to fool everyone in the family.”

            “He has his reasons like I have my reasons.”  Matigas pang sagot niya.  “Hindi namin intention na may masaktan sa mga desisyong ginawa namin.”

            “Really?”  Sarkastiko pa itong napangiti.  “Does this mean na eventually magiging malaya ka na rin from your marriage with him?”

            “Darating din ang panahong 'yun.”  Hindi naman na niya pinahaba ang sagot.

            “So,”  Malalim pa itong napaisip.  “Kasama ba sa contract ninyong dalawa ang maging intimacy?”  Pilyo pang tanong nito sabay tingin sa dibdib nito.  “I would love to see them soon.” 

            “Hindi naman bastos si Lee katulad mo.”  May parungit pang tono niya.  Kung puwede lang magwalk-out siya ay kanina pa niya ginawa.

            “'Wag ka na nga magmalinis.”  Pigil naman ang inis nito sa huling sinabi ng babae.  “Sa klase mong iyan, for sure, kung sinu-sino na ang mga lalaking naka-score sa’yo.”

            “Kung ganoon naman pala ang tingin mo sa akin, why waste time na maka-score ka pa?  Not unless walang babae ang magkamali dahil sa sama ng ugali mo?”  Sarkastiko pa siyang ngumiti ulit.

            “Yabang mo rin 'no?”  Halatang napikon ito.  “Kung magmalaki ka, akala mo kung sino kang malinis,”  Iiling-iling pa ito.  “But we’ll see about that.”  Muli itong ngumiti nang nakakaloko.  “Be sure na maligo at mabango ka sa gathering, ‘coz I’m gonna eat you up.”

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon