Chapter 13

28.2K 576 12
                                    

********

Pa-like naman po my page sa FB :) Thanks po!

Fedejik's Stories

http://www.facebook.com/pages/fedejik-stories/432094690201815

thanks po for your continued support sa story na ito! God bless po!

#dean

 

********

  CHAPTER 13

 

          Kinabukasan ay nakipag-unahan si Min na magising kay Lee.  Wala na rin naman siyang balak na magpaalam dito. Maiiyak lang siya kapag nakipagpaalaman pa dito.  Naging marahan na lamang ang mga kilos niya para hindi na ito magising pa.  Kinuha na rin niya ang mga documents niya pati na rin ang halagang ipinabaon nito sa kanya upang makapagsimula ng panibagong buhay.

Saglit niyang tinitigan ang natutulog na asawa.  Sobrang gwapo niya kahit tulog.  Wala pa sa sariling napangiti kung papaanong inenjoy nila ang huling oras nila na magkasama.  They shared kisses like they were really married.  At hinding-hindi niya makakalimutan iyon.

            Pero bago pa man siya tuluyang makaalis ay nakahon siya ng mag-asawang Don Graciano at Donya Josefina.

            “So, where are you going?”  Nakakunot-noo pang sita ni Donya Josefina.

            “Leaving…”  Maikli namang sagot niya.  “Ayoko naman po nang gulo…”

            “Ayaw mo nang gulo?”  Sarkastiko pang tumawa si Don Graciano.   “You just ruined Lee's relationship with his cousins.”  Bigla rin iyong sumeryoso.

            “Tinulungan ko lang naman po si Lee na kahit papaano makuha ang kaunting laya na hinihingi niya sa inyo.”  Paliwanag pa niya.  “Isipin na po ninyo ang gusto ninyong isipin sa akin, basta’t ang alam ko, natulungan ko siya kahit na papaano na ipaintindi sa inyo na wala namang masama sa hinihiling niyang konting kalayaan na magawa ang mga bagay na gusto niya para sa sarili niya.”

            “What are you saying?”  Kunot-noo pa ang Don.

            “Let me finish please,”  Pakiusap pa niya dito.  “We’re sorry na nagawa naming magsinungaling tungkol sa aming dalawa.”  Pinigilan pa niya ang maiyak.  “Pero he is a responsible son at sana po iyon ang makita ninyo.”  Pinagpalitan pa niya nang tingin ang mag-asawa.  “Hindi naman daw po siya magpapabaya sa responsibility niya sa company ninyo dahil alam naman niyang sa kanya rin mapupunta 'yun.  All he’s asking, magawa rin niya kahit papaano ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya.”  Hindi na rin niya mapigilan ang maging emosyonal.  “'Yun lang po.”  Mariin pa niyang kinagat ang labi upang pigilan ang paghagulgol.  “At sana po, hayaan n'yo rin siyang mamili nang gusto niyang mahalin. 'Yung hindi n'yo po kailangan idikta.”  Mabilis pa niyang pinunasan ang luhang bumasa sa pisngi niya.  “Sorry po, kung naging part ako nito. Sorry po… hindi ko po inaasahang mapapatawad ninyo ako. 'Yung  maintindihan n'yo po si Lee, ayos na sa akin. Sorry po ulit at aalis na po ako…”  At nagmamadali pa siyang umalis at hindi na binigyan pa nang pagkakataon ang mag-asawang makapagsalita.  Sapat na sa kanyang nasabi na niya ang mga dapat masabi. 

            May kung ilang araw ding nanatili na muna si Min sa dating dorm.  Nagpa-book na rin siya ng ticket niya patungong New York.

            “Ano naman 'yang gloomy face mo na 'yan?”  Sita pa ni Lucy sa tila tulalang kaibigan.

            “Wala.”  Napabuntong-hininga pa siya.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon