Chapter 12.3.3

27K 547 18
                                    

********

thanks po for your continued support sa story na ito! God bless po!

#dean

********

CHAPTER 12.3.3

Matapos nga lang din ang halos isang oras na pagbababad sa pool ay tsaka sila nagpasyang bumalik ng kwarto.  Pero bago pa man sila makapasok ay humahangos na humahabol sa kanila si Bettina!

            “Lee!”  Tawag pa nito sa tila nagulat na lalaki.

            “Bettina…”  Taka pa itong napatitig sa babae.

            “Can we talk for a while?”  Hindi naman din ito nagkuli pa.

            “S-sure.”  Bahagya pa itong napatingin sa asawa.

            “Pasok na ako sa room.”  Pag-iwas naman na din ni Min kahit na nga tila kinakain na nang selos ang puso niya.

            Pagpasok niya sa kanilang kwarto ay tila gusto niyang umiyak.  Tila ngayon na niya nakukumpirma ang tunay niyang nararamdaman para sa asawa. Mahal na niya si Lee!  At naiinggit siya kay Bettina dahil ito ang mahal ng lalaking minamahal niya.

            Pero hindi pa man siya nagtatagal sa loob ng kanilang kwarto ay may kung sinong biglang pumasok… si Trevor!

            “Anong ginagawa mo dito?”  Agad pa siyang napatayo mula sa pagkakaupo sa bed nilang mag-asa at agad ding isinuot ang robe niya.

            “Like I said before, we need some quality time together.”  Nakakaloko pa itong ngumiti.

            “Baliw ka na ba?”  Tapang-tapangan pa siya kahit sa totoo lang ay halos dumagundong ang dibdib niya sa kaba.  “Hindi ako ang klase ng babaeng papatol sa’yo!” 

            “Really?”  Tinabig pa niya ang pinto para magsara.  “The way I see it, Lee and Bettina, was already having the time of their life.”  Makahulugan pang bitaw nito ng salita.  “Probably, mamaya pa darating ang iyong loving husband.”

            “Get out!”  Matigas pang sabi niya dito.

            “I am not going anywhere.”  Bahagya pa itong umiling.  “I like you…”  Diretsa pang sabi nito.  “I wanna have sex with you…” Nakakaloko pa nitong tinitigan ang babae mula ulo hanggang paa.  “And I know that you want too.”

            “Get out!”  Muli ay pagtataboy niya at mabilis na pumunta sa pinto pero agad din siyang sinunggaban ng lalaki at mahigpit na niyakap!  “Bitiwan mo ako!”  Nagpumiglas siya!  Agad siyang nanginig sa mga pagkakataong iyon.

            “Shut up!”  Pigil pa niya sa pagwawala nito.

            “Bitiwan mo ako!”  Buong lakas pa niya iyong itinutulak pero tila balewala ang pwersa niya at nagawa pa rin nitong ihiga siya sa bed!

            “Just this time,”  Tila demonyo itong hindi papapigil at sa halip ay mariin pa niyang hinalikan sa labi ang nagpupumiglas na babae.

            “'Wag!  Please!  No!” Noon na siya naiyak nang husto sa takot!  Pakiwari niya’y wala man lang nakakarinig sa sigaw niya.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon