Chapter 11.1.2

25.3K 523 9
                                    

my dear readers, gusto ko lang po sana sabihin na itong LOVE CONTRACT eh magkakaroon po ng special chapter.  Meaning, it won't be visible sa public... sorry po.  Pero yung followers ko po eh mababasa yun.  Matagal pa naman yun... I just thought na hindi nararapat sa very young readers so, i suggest sa mga young readers ko na wag na lang basahin at hindi naman din kayo mawawala sa story kung hindi nyo mabasa yung chapter na yun.  Kailangan ko lang din y publish yun kasi may mga mature readers din naman ako dito and apart from that, part yun ng story ko na ayaw kong tanggalin. :)  anyways, matagal pa yun.  Pinapaalala ko lang po ng maaga. 

have a nice weekend guys!

dean

********

CHAPTER 11.1.2

 

            May kung ilang araw ding hindi nagpapansinan sina Lee at Min.  Lahat na lang ng paraan para hindi sila makapag-usap o magkabangga man lamang ay ginawa na nila para wala na lang din pagtalunan pa.  Pero dahil nasa iisang kwarto lang din naman sila ay wala pa ring pagkakataon na nangyaring hindi sila nagkikita.

            “Can we just stop this…”  Si Lee na rin ang sumuko lalo pa nga’t sanay siyang palagi silang nagkukuwentuhan ng asawa.

            Hindi naman kumibo si Min sa sinabing iyon ng asawa.  Sa halip ay naupo na lamang sa isang tabi at nanahimik.

            “I’m sorry, okay?”  Punung-puno naman ng sinseridad na paghingi niya ng paumanhin dito.

            Nanatiling walang kibo pa rin si Min.

            “This is the right time to at least say something,”  Mataman pa niyang tinitigan ang asawa at namaywang sa harapan nito.

            “Sorry din.”  Tipid na sagot lamang niya at bahagyang umismid.

            “Hey,”  Nilapitan niya iyon at mahigpit na niyakap.  “Peace na tayo, please.”  Sumamo pa niya dito.

            Lihim namang napangiti lang si Min sa ginawang iyon ng asawa.  Pakiwari niya’y tunay talaga silang nagmamahalan.

            “Mrs. Ramirez?”  Mataman pa niya iyong tinitigan sa mukha.

            “Sige na, peace na…”  Tila naman batang ngumuso lang din at ginantihan ang yakap na iyon ng asawa.

            “Na-miss kong kakulitan mo,”  Pinanggigilan pa ni Lee ang asawa sa pisngi at mariing pinisil iyon.

            “Aray ko naman!”  Daing pa niya at hinimas ang pisngi.

            “Ang cute mo kasi magalit.”  Napangiti pa siya nang makitang medyo namula ang pinisil niyang pisngi nito.   “Sorry…”  Siya na rin ang humimas sa pisngi nito.  “Sorry if naging careless ako the other day.”

            “May alam na si Bettina 'no?”  Nananatili siyang nakakulong sa matipunong braso nito.

            Tumango lang si Lee bilang sagot. 

            “May alam na din si Trevor.”  Napabuntong-hininga pa siya.

            “What did he say?”  Curious pang tanong niya.

            “W-wala…”  Ayaw na lang din niyang mag-alala pa ito. 

            “Mukha lang mabait 'yun pero maloko sa babae. Certified chicboy.”  Babala pa niya dito.

            “Oo nga,”  Sang-ayon naman niya at napatunayan na nga niya iyon dahil sa pangba-blackmail nito sa kanya.  “Hindi ba parang ikaw lang yun?”  Pabirong himig pa niya.

            “One woman man lang ‘to noh?”  Pagmamalaki pa niya.

            “Si Bettina na ang first love mo?”  Curious pang tanong niya dito.

            “N-nope…”  Bahagya pa siyang umiling.  “Actually,”  Napaisip pa siya nang malalim.  Nananatiling nakakulong pa rin sa yakap niya ang asawa.  “There was this girl I met when I was in 6th grade…”

            “6th grade talaga?”  Taka pa siya. 

            “I-i…”  Bahagya pa siyang natigilan.  “'Wag na, baka pagtawanan mo pa ako…”  Pagbabago pa niya ng isip.

            “Ituloy mo na!”  Pamimilit pa niya dito.

            “'Wag na,”  Umiling pa siya.  “Tsaka na lang.”  Nakahiyan na rin namang niyang magkuwento lalo pa nga’t baka pagtawanan lang siya ng asawa.

            “Nambitin pa!”  Umismid pa siya dito.

            “Tsaka na nga lang!”  Pinisil naman niya ang ilong nito.

            “Hmp!”  Wari ay umirap pa siya dito.  Pero sa totoo lang ay may bahagi din ng puso niya ang nasaling dahil siya man ay may alaala ng kanyang kabataan.

            “'Wag mo na ako aawayin ha.”  Pabirong himig pa ni Lee dito.

            “Ako talaga ang nang-aaway?”  Irap pa niya sa asawa.

            “Ikaw nga,”  Mataman pa siyang napatitig dito.

            Tila tinulos na kandila naman si Min sa pagkakatitig na iyon ng asawa.  Bigla na naman niyang naramdaman ang kalabog ng kanyang puso.

            Hindi naman alam ni Lee kung ano ang nagtulak sa kanya at hinalikan niya si Min.  Halik na may damdamin. Halik na tila ayaw niyang tigilan.  Sapat na ang lambot ng labi nito para saglit siyang mawala sa sarili.

            “L-lee…”  Pigil pa ni Min dito.  Parang sasabog ang kanyang dibdib.  “U-umaabuso ka na ha,”  Wari ay biro pa niya dito at kumalas pa sa yakap nito.  “W-wala naman sa usapan natin ang halik-halik.”

            Napakamot naman ng batok si Lee at napangiti na lang din.  Hindi rin niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman.

            “I believe na kasama 'yun sa love contract natin.”  Depensa pa niya.  “Because you kiss the one you love…”

            “Sa totoong nagmamahalan lang 'yun…”  Nag-iwas pa siya nang tingin.  Para kasing ibig niyang pamulahan at alam niyang may espesyal na siyang damdamin para sa asawa.

            Bahagya naman ding natigilan si Lee.  Tila naguguluhan din sa nararamdaman niya.

            “What nga pala ang plan ninyo ni Bettina?”  Pag-iiba pa niya nang usapan.

            “To be honest ”  Napaisip pa siya.  “I actually don’t know.”  Bahagya pa siyang umiling.

            “Hindi mo alam?” 

            “When this is all done tsaka na lang ako magde-decide.” Muli niya itong niyakap.  May espesyal siyang nararamdaman para kay Min pero  hindi lang niya matiyak kung pagmamahal na ba 'yun o bilang kaibigan lang.


LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon