Chapter TWENTY EIGHT

633 48 21
                                    

Rush (POV)

After kong aminin kay Yuna ang relasyon namin ni Brianna and after her confrontation with my girlfriend ay naging smooth ang pagsasama namin ni Brianna.

She became extra sweet at ni hindi nangimi na ilantad ang relasyon namin in public.

Hindi nasunod ang naging kagustuhan ko na maging discreet dahil sa tuwing magkasama kami ay hindi naman nahihiya ang sariling kasintahan na maging malambing. Palagi itong nakayakap o kung hindi man ay nakahalik sa sakin.

Hindi naging madali sa akin nuong umpisa ang pagiging showy niya lalo na at kilala akong mahiyain pero nang kalaunan ay nakasanayan ko na rin.

Naging hot item din kami sa school after a weeks or so.It was all started ng may makakita sa amin sa School Cafe na sobrang sweet. 

Marami ang kinilig, marami ang natuwa pero may mangilan-ngilan ding naging bitter lalo na at maraming nagkakagusto kay Brianna.

Worth it ang ilang linggong pagtikis ko sa nararamdaman para sa kanya dahil nagbunga naman iyon ng maganda at higit pa sa aking inaasahan. Mantakin mo, napa sa akin ang babaeng hindi lang nunukan ng ilap kundi nuknukan din ng sungit.

Brianna made me her priority. Kung dati rati ay halos manlimos ako ng oras para lamang makasama siya, ngayon naman ay siya na mismo ang nag-iinitiate ng mga lakad namin.

Sometimes, magugulat na lamang ako kapag nabubungaran ko ito sa labas ng aking unit bitbit ang kung ano anong pagkain na nais niyang pagsaluhan naming dalawa.

Kung may isang bagay pa akong nalaman sa kanya bukod sa iba pang magagandang katangian niya ay iyon ang hilig niya sa pagkain. Mahilig siya mag explore pagdating sa pagkain na akin na lamang ikinakaaliw.

Magandang matakaw. Iyan nga ang pang-inis ko sa kanya na sa karaniwan lamang niyang iniingusan.

I smile out of nowhere ng maalala kung gaano ito ka-cute sa tuwing aasarin ko.

"hi, Rush" pukaw ng isang malamyos na tinig.

I glance at that person absentmindedly.

"oh hi, Clariz" pagbati ko ng ito ay makilala.

She is one of my classmates in some of my Major subject but we don't usually talk.

Isa sa mga It girls dito sa campus and apparently ay isa sa mga itinutukso sa akin ni Storm before dahil anya ay may interes ito sa akin which of course ay hindi ko pinaniwalaan, until I accidentally heard her with her friends talking about me.

"Is this seat taken? puwedeng makiupo?" she asks smiling while pointing at the vacant seat beside me.

"Ah, y-yeah sure " alanganin kong sagot.

Pasimple akong sumilip sa tagiliran niya checking if padating na ang aking inaantay. For some reason ay hindi ako naging komportable sa biglaang pagsulpot ni Clariz.

"thanks, Rush" she mumbles na bahagya ko lang tinangunan.

Alam kong natural na malambing ang boses niya dahil nadidinig ko din naman siyang nagsasalita sa klase but somehow ay may kung anong hatid iyon na hindi ko matanto. Ang awkward lang sa pakiramdam lalo na at napansin ko na siya kanina habang sumusulyap sa gawi ko.

Hindi rin nakaligtas sa akin ang tila pambubuska ng mga kaibigan niya sa kanya habang tinutulak ito patungo sa gawi ko.

I mentally shook my head.

Ang weird .

Ngayon mo pa talaga naramdaman iyan kung kailan ilang beses mo na siyang nahuling nagnanakaw ng tingin sayo sa loob ng klase niyo?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Where stories live. Discover now