Chapter THIRTEEN

951 50 4
                                    

Brianna's (POV)

"Bree" pukaw ng isang pamilyar na tinig.

I glance at the person and saw Alice with creasing eyebrow.

She hissed matapos sumulyap sa taban-taban kong kwintas.

" you're thinking of her again" nayayamot nitong usal.

Ibinagsak nito ang kanyang mga gamit and kneel beside me.

Walang salitang iniharap ako at walang habas na pinahid ang aking mga luha " gaga ka, paano ka makaka-move on kay Asul kung parati mo na lang binabalikan ang nakaraan?"

Hinawi ko ang kamay nya at tumingin sa kawalan. "You can't blame me Alice" malamig kong tugon dito.

She hissed.

"Choice mo lahat ng ginagawa mo. Ibig sabihin choice mo din ang magpaka-miserable at walang ibang dapat sisihin kung bakit nai-stock ka diyan sa lintek na sitwasyon na iyan kundi sarili mo"

Hindi ako kumibo na waring lalong nakapag-paigting ng inis sa aking katabi.

"Aba naman Brianna!" himutok nito.

"Diyos ko! Uso mag move on, kung libre ang pagiging tanga mas lalong walang bayad ang pag-mo move on" singhal nito.

I sighed trying to ignore her pero hindi ito tumigil.

" ang mundo patuloy lang na iikot, Bree. Hindi ito titigil o mag ta-time freeze dahil lang nasaktan ka, kaya kung hahayaan mo lng na mabalalak ka sa isang lugar at hindi gagawa ng paraan ay ikaw din ang magdudusa sa bandang huli. "

Umingos ako.

"Nasasabi mo lang iyan kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko" sumbat ko dito.

She stood up and crossed her arms while giving me her death glare.

" oh eh bakit? kailangan bang mangyari sa akin iyang mga bagay na iyan para lang maintindihan kung gaano ka-unfair ang mundo?" Sita nito.

" Namatay si Blue, oo. Pero hindi ikaw. At kung may kinakailangan mag-disappear dito sa earth sya lang iyon hindi kasama ang buong pagkatao mo"

I creased my eyebrow at kunot-noong tumingin dito.

"Anong gagawin ko kung hindi pa magawang maghilom nito! " piksi ko pointing at my heart.

She roll her eyes "May magagawa ka tanga! " she exclaimed.

"Nakakakita ka na ba ng sugat na naghilom habang kinakalikot? ?may nakita ka?! " makahulugang tanong nito which caught me off-guard.

Kumunot ang noo ko at wala sa sariling umiling.

" Wala di ba?" Anito sabay kumpas ng kamay sa ere.

"oh ayun! in case you didn't noticed ay ganuon ang ginagawa mo. Imbes na hayaan mong gumaling at mag focus sa ibang bagay ay dutdot ka ng dutdot kaya ang nangyayari nanariwa lang yang pesteng sugat na iyan" paliwanag nito pointing at my heart which make sense.

She is right, ang sugat nga naman ay dapat pinapagaling at hindi ginagalaw para hindi ito manariwa.

"Alice please..." i mumble surrendering to her.

Kapagdaka'y inihilamos ang palad sa aking mukha.

This girl is stressing me out diyos ko.

"please what?!" maarte nitong tanong "you want me to stop?!ganuon ba?!" singhal pa.

Umiling-iling ako didn't know what to say para tigilan na nito ang mga sinasabi sa akin.

She hissed and smile at me sarcastically.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Where stories live. Discover now