Chapter SEVEN

990 50 0
                                    

Brianna (POV)

“naitext mo na si Rush?” tanong ni Alice habang inaantay ang prof namin.

Umiling ako “why would i? Kung ayaw nya ng magpakita, I don’t mind” pagsusungit ko trying to hide the bitterness.

“ weh? Talaga? Ayos lang sayo? “ pagsita ng katabi ng hindi makumbinsi sa sinabi ko.

Ganuon ba ka obyus na kahit papaano ay namimiss ko yung kumag na iyon ?

“ magkaiba ang sinasabi mo sa inire-react ng mukha mo eh” tudyo nito 

I roll my eyes on her.

“ pwede ba---” daing ko sana na kagyat nyang pinutol

“ aba’y pwedeng-pwede, gurl. Wala namang nagbabawal sayo na hindi mo ma-miss si Rush noh” sambot nito na ikinalaki ng aking mga mata.

“I didn’t say that I miss her you idiot”

“oh, come on! Your mouth says no but your reaction says yes” kantyaw nito.

I just sighed and shook my head at kapagdaka’y ibinato dito ang lapis na aking hawak hawak.

“ang saya mo eh noh ?” pagsusungit ko na ginantihan lang nya ng nakakalokong pagngiti.

Asungot talaga to’ kahit kailan.

Tama bang ipamukha pa sa akin ang bagay na iyon? Oo na sige na! Tama sya. Namimiss ko na si Rush.

Kahit ganito naman ako na animo palaging may dalaw kapag nandiyaan sya ay may isang bahagi naman sa puso ko ang nasanay sa presensya nya.

Grabe naman kasi eh, saan ba iyon nagsusuot at hindi man lang makuhang mangamusta?

Ni text or even call ay wala. 

Ang hanep talaga.

Maghanda ka ng valid mong dahilan kung bakit mo ito nagawa sa akin dahil kung hindi.

Naku lang talaga!

Makikita mo Rushmoore Villanueva makakatikim ka sa akin ng matinding konyat oras na lumitaw ka!

“ kaya nga naimbento ang cellphone para gamitin sa taong namimiss natin. It makes the communication easier para sa mga pusong nangungulila” kagyat na hirit ng aking  katabi.

Binalingan ko itong nanliliit ang mga mata.

Nayayamot na nga ako at lahat kakaisip sa unggoy na iyon ay dinadagdagan pa nitong gaga na ito.

“ alam mo ikaw, manghuhula ka ba? Lahat na lang ng reaction ko may interpretasyon sayo eh, gusto mo bang ipagtayo kita ng kubol?” I said to her sarcastically.

Humagikgik lang ang loko “ kahit wag’ na at baka malugi ka pa.”

“ikaw lang naman ang kaya kong basahin, kabisadong-kabisado na kita dahil sa tagal ng pinagsamahan nating dalawa” pangangatwiran nito.

“whatever Alicia” tangi kong nasagot.

Natigil ang paguusap namin when our professor came in.
……

“Alice, I’ll go first at may dadaanan lang ako sandali. Meet you at the cafeteria” paalam ko sa kaibigan ng matapos ang aming klase namin.

“okay, paki-order ako ng usual food ko if happen na mauna ka ha?” bilin nito na hindi ko pinag-abalahang lingunin.

“okies” I replied then stormed out of the room.

I was on my way to the exit door of our building when I noticed a group of female students na nakahambalang sa aking daraanan.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon