Chapter SIX

1K 44 2
                                    

Brianna (POV)

Its been three days since the day I spent time with Rush pero hanggang ngayon maski anino nya ay hindi man lang nagpapakita.

Ano kayang nagyari duon ?

After ng get together party namin nila Chord ay hindi na ito nagparamdam pa. Ni text o tawag na madalas nyang ginagawa ay nawala na din.

" bakit kaya hindi mo itext hano ?" pukaw ni Alice na katabi ko sa paglalakad sa hallway na iyon. Kakatapos lang ng huling subject namin at ngayon nga ay patungo kami sa cafeteria para kumain.

" wag' mong pahirapan iyang sarili mo at wag makuntento sa pagtingin -tingin diyan sa pwestong iyan" puna nito inginuso ang madalas na tambayan ni Rush sa tuwing ako ay iniintay.

Umirap ako " I don't know what your talking about" pagkakaila ko.

"naku Bree, wag ako. " tudyo nito " idedeny mo pang hinahantay mo yung tao eh obyus naman sayo na simula ng hindi magpakita si Rush ay naapektuhan ka na"

" itataboy taboy tas hihintay hintayin" bulong nito na ikina kunot ko ng noong bumaling sa kanya.

Nagpeace sign ito sa akin and smile fakely.

"ikaw naman kasi. Bakit mo ba sinusungitan at pinahihirapan iyong tao ?"

" ni hindi mo man lang ma-appreciate lahat ng ginagawa nya para sayo.. you didn't even say thank you the night she sent you home na lasing na lasing ka" panunumbat nito.

I sighed.

Oo na. May mali na ako kung may mali. Pero masisisi ba nya ko kung sa tuwing nakikita ko si Rush ay nasasaktan ako ?

" look Bree" singit ni Alice.

She paused, grab my arm at iniikot ako paharap sa kanya.

" matagal ng wala si Blue. Sya lang ang namatay at hindi ikaw. Kaya sa---"

" are we going through this again Alice??! " I exclaimed. " how many times do I need to tell you na ayokong pag-usapan ang bagay na to' ? Bakit ba---"

" kelangan nating pag usapan to'! " she shouted which taken me aback. This is the first time I saw Alice how serious she is.

" kailangan mong ma-realize at tanggapin ang lahat lahat."

"She is gone. Hindi na sya babalik pa, naiintindihan mo ? Kaya wag ' mong ipagtabuyan ang mga taong gustong makapasok diyan sa puso mo. " litanya nito pointing out my heart.

" lalo na si Rush" dugtong nito sa naghihirap na tinig " don't try to make her change the way you wanted her, Bree"

I creased my eyebrow " ano bang sinasabi mo? "

She tilted her head and hissed " oh come on, Bree. You think im stupid para hindi mahalata na dinidiktahan mo si Rush to act like Blue ? Iyong sa gym – you invited her to play basketball along with us kahit sinabi na nga nung tao na wala syang hilig duon."

" Remember the time we went to amusement park ? You forced her to accompany you to go for those extreme rides pero nakarinig ka man lang ba ng pagtanggi sa kanya kahit napansin na natin kung gaano sya ka agitated ? And lastly the night with Chord, my god! Ipinagduldulan mo sa kanya iyong alak kahit tahasan nyang sinabi na hindi talaga sya umiinom" paninita nito.

" eh ano bang masama duon kung ginagawa naman nya lahat ng gusto ko ?" pangangatwiran ko but deep inside ay nilalamon ng guilt ang kaloban ko.

"iyon na nga Bree eh. Sa sobrang pagmamahal sayo nuong tao kahit labag sa kalooban nya ay ginagawa nya para sayo"

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon