Chapter FOUR

1K 44 0
                                    

Rush (POV)

"I want to go with you" pamimilit ni Gap ng magsabi ako ditong makikipag kita kila Bree. I told her na magbobonding lang kami kasama ng mga kaibigan nito sa kanilang bahay which of course ay may bahid na kasinungalingan.

Kailangan kong gawin iyon para kumalma ang aking kaharap at hindi mag-alala.

Ayokong ipaalam dito na maski ako ay walang idea kung saan kami pupunta dahil sigurado akong hindi ito lulubay hanggat hindi ko ito isinasama.

"saglit lang naman ako duon, besides napag-usapan na natin to' hindi ba ? You give me three weeks right ? Hayaan mo naman akong sulitin yung panahon na iyon just to be with her..... please?" pakiusap ko dito while rubbing my wet hair. Kakalabas ko lng ng toilet cause i took a quick shower para sa paghahanda ko sa group date namin nila Bree ng maabutan ko ito sa loob ng aking kwarto.

"I'll take no for an answer. Tingin mo ba'y pumarito lang ako sa unit mo para pumayag sa pakiusap mo ? Of course not , so whether you like it or not ay sasama ako sayo" makulit nitong litanya at kapagkuwan ay pabalyang naupo sa reclining chair na nanduon.

Tsss.. ang kulit talaga nitong isang to.

I sighed and shook my head.

Mukhang kailangan ko ng dibdibang pakiusapan dito ng tuluyan nya ng hindi maipush ang kanyang gusto.

Isinampay ko sa aking balikat ang tangan na towel and walk towards her.

"Gap" malambing kong tawag dito after I leveled myself to her and held her hand.

"I need a time with her" pakiusap ko in a serious tone.

She just stare at me intently at hindi kumibo.

"you want me to be happy right ?"

Sumimangot ito at nag-iwas ng tingin habang nakahalukipkip. "oo naman" tipid nitong tugon.

Napangiti ako when I noticed how cute she is by making her look like naiinis. Pero dahil kilala ko sya. Alam ko she's in the verge on falling into my charm.

I wait for her to glance at me habang nakahanda ang isang matamis na ngiti na alam kong hindi nya kayang pag labanan.

She did shifted her eyes on me at kapadaka'y hinampas ang aking braso. " nakakainis ka talaga! Porque alam mong hindi kita matanggihan palagi mo na lang iyang ginagawa sa akin!"

I giggles and held her hand " just spare this night for me.. please ?"

She sighed.

"oo na..oo na! Hindi na ako sasama pero mag-update sa akin at...." Pambibitin nito " tumawag ka just in case---"

"yes madam.... I'll call you po kapag kailangan" pagputol ko dito kasunod ng pagtayo.

Nakailang bilin pa ito bago ko tuluyang naipagtabuyan pauwi.

Nagmadali akong gumayak matapos umalis ni Gap at ilang sandali pa ay tinatahak ko na ang pamilyar na daan patungo sa bahay nila Bree.

Five minutes before eight pm ay nakarating na ako sa kanila. Maingat kong ipinarada ang sariling sasakyan at bumaba patungo sa malaking gate ng mga Buenaflor.

Im about to press the doorbell when suddenly it opens at iniluwa ang taong aking pakay.

I gasped when I saw how sexy she is in her black fitted dress na binagayan ng pagkakaladlad ng kanyang mahabang buhok. Naka-curl ang laylayan nuon emphasizing the ash brown color na nagrereflect sa sinag ng wall light na nanduon.

"are you going to just stand there and plan to stare at me the whole night?" supla nito sa akin na syang nakapag-pabalik sa realidad.

Natataranta ko itong binati at iginiya sa aking sasakyan.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Where stories live. Discover now